MNYOD [Chapter 27]

62K 952 98
                                    

Dedicated itong chapter na to kay AneehsEiramCadiz. Nag-status po siya about sa story ko. Tsaka nag-post din siya sa message board ko. Hello! Grabe, thank you talaga. Hehe. Keep on supporting MNYOD. Thanks! Love you. Mwah mwah. :*

***

This is an original story.

People, places or events that are similar to others are purely coincidental.

All of the matters written and shall be written are all fictional.

My Nineteen-Year-Old Daddy

Written by: CaraMariaUna

All Rights Reserved | 2012

***

Chapter 27 – New Friend



[ANNE's POV]


Matapos ng naging usapan namin ng presidente ng school na pinapasukan ko ay di ko na nakita pa ang anak niya. Wala din naman akong pakialam dun. Basta ang akin lang, dapat matapos natong kalbaryo ko. Di pa nga pala ako nakakapasok.


Pagdating ko sa room, mabuti nalang wala pa ang prof namin kundi lagot talaga ako. First day ko pa naman. Tsaka wala na rin naman akong takas so go nalang! Napansin kong wala ng ibang upuan kundi yung sa hulihan nalang. Umupo ako katabi nung babae. Kaming dalawa lang sa hulian. Pero ayos rin to, at least makakatulog ako.


"Hi, ako nga pala si Belinda. But you can call me Belle." Sabi nung babae sabay abot ng kamay niya para makipag-shake hands.


Inabot ko nalang din. Mukhang mabait naman eh. 


"Ahh, hi. I'm Anne."


"Buti nalang nandito ka na. Kasi wala akong katabi eh."


"Ha? Bakit naman?"


"Ewan ko diyan sa kanila. Mabait naman sana ako eh."


"Baka naiingit lang."


"Siguro nga. Hehe. So friends?"


"Friends."


Nandito ako ngayon sa canteen kasama si Belle. Sabi niya, wala daw siyang laging kasama tuwing lunch maliban sa boyfriend niya. Eh kadalasan naman daw ay nagpapractice ito dahil sa basketball player daw ito. Kaya naman, masaya daw siya na meron na daw siyang laging makakasama at ako yun. At least di na raw siya mag-iisa.


Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit loner itong si Belle? Samantalang maganda naman sana siya. At kung titingnan mo ay palangiti ito at palakaibigan.


"Ahh Belle, pwedeng magtanong?"


My Nineteen-Year-Old Daddy - [Finished]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin