MNYOD [Chapter 21]

65.9K 971 73
                                    

Dedicated nga pala ito kay stresseater. Pinangakuan ko po siya ng dedication at eto na nga. Yehey! Comment ka ulit ha? Keep on supporting MNYOD. Love you. Mwah mwah. :*

***

This is an original story.

People, places or events that are similar to others are purely coincidental.

All of the matters written and shall be written are all fictional.

My Nineteen-Year-Old Daddy

Written by: iHeartCMU

All Right Reserved | 2012

***

Chapter 21 – Playful Anne



"Daddy, why are you crying?" Tanong ni Andy sa amang si Drei. Umiiyak kasi ito at lagi na lamang itong napapansin ng bata.


"Ha?"


Nagulat si Drei ng tanungin siya ng bata. Alam niyang nag-aalala ang anak niya sa mga ikinikilos niya nitong mga nakaraang araw. Ayaw naman niyang mag-isip pa ito ng mga bagay-bagay. Bata pa ito masyado para malaman ang katotohanan. 


"Kasi may napanood lang si daddy na movie."


"Ganun ba? Hug nalang kita daddy para di kana umiyak."


"Thank you Andy." Yun na lamang ang nasambit ni Drei habang yakap-yakap ang anak na umiiyak pa rin sa mga balikat ng bata.


"Okay na si daddy. Sige na, you go play with your toys."


"Okay daddy." At pagkatapos nun ay umalis na ang bata.


"Kamusta na si Yanna? I mean Rhian na nga pala." Sabi ni Anne na sumulpot na lamang kung saan. Nasa labas sila ngayon. Doon minabuti ni Drei magpunta para na rin makalanghap siya ng sariwang hangin at masikatan ng araw.


"Nasasaktan ako para sa kanya."


"Sabi ko kamusta si Rhian hindi ikaw. Kaw talaga kuya." pagbibiro ni Anne sa pinsan niya.


"Stop it. Alam ko pinapagaan mo pakiramdam ko pero –"


"Alam ko kuya. Alam kong masakit sayo mawala si Gela. Malaking parte din siya sa buhay mo. At sa buhay niyo ni Rhian."


"It's just that, hindi ko aakalain na mawawala siya sa akin." Sabi ni Drei habang umiiyak pa rin. Nasasaktan siya. Di dahil nasasaktan si Rhian kundi dahil nasasaktan talaga siya sa pagkawala ni Gela. Malaking parte ng buhay niya si Gela at kailanman ay ayaw niya itong mawala.


"Masakit kuya, oo, masakit talaga. Pero huwag ka namang ganyan. Nagtataka na nga ang bata sa mga kinikilos mo. Besides, pati si Rhian din mahina ngayon. Be strong for her. Kailangan niya ng makakaramay."

My Nineteen-Year-Old Daddy - [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon