MNYOD [Chapter 7]

76.9K 1.2K 106
                                    

This is an original story.

People, places or events that are similar to others are purely coincidental.

All of the matters written and shall be written are all fictional.

My Nineteen-Year-Old Daddy

Written by: CaraMariaUna

All Rights Reserved | 2012

***

Chapter 7 – When SHE learns about HIS secret


Matapos ng naging usapan nila Drei ay umuwi na agad si Yanna sa bahay nito. Di niya inaakala na si Drei ang makakasama nito sa bagong proyekto. Kahit pa sabihin nating naka-move on na siya sa nangyari ay di pa rin niya kayang makasama si Drei lalo na sa loob ng apat na buwan.


Kung kaya't tinawagan niya ang boss niya upang sabihing magpapapalit siya sa iba. 


"Hello sir Drew? Kasi po baka pwedeng iba nalang yung ilagay niyo sa project?"


[At bakit naman Rhian? Is there something wrong?]


"Wala naman po."


[Wala naman palang problema.]


"Kasi feel ko po na di ako fit."


[You are more fit in this project than anyone else Rhian. Alam nating dalawa yan.]


"But sir –"


[No BUTS Rhian. You are already in this team and that's final.]


"Sir, sanda – *toot toot* "


Kahit labag sa loob ni Yanna ay wala na itong magagawa pa. Alam niya ang ugali ng boss nitong si Drew. At kapag sinabing siya ay siya na talaga. Kung kaya't wala na siyang magagawa pa kundi ang pakisamahan si Drei.


"4 months. Apat na buwan lang. Pagkatapos, wala na." Yun na lamang ang nasabi ni Yanna para palakasin ang loob nito.


***


Ilang araw na ding nagkikita si Drei at si Yanna. Halos sa lahat nga ng oras ay sila ang magkasama dahil na rin sa pagpapalano para sa proyekto na gagawin nila. Ngunit sa kabila di pa rin sila masyadong nagpapansinan. At kung nag-uusap man ay related naman ito sa project na ginagawa nila.


"It's already 9am Yanna. Gabi na pala. Di man lang natin namalayan. Hatid na kita sa inyo." Sabi ni Drei habang inaayos ang mga gamit nito na nakalatag sa lamesa.


"I told you Drei, it's Rhian now. Ilang beses ko bang uulitin sayo yan?"


My Nineteen-Year-Old Daddy - [Finished]Where stories live. Discover now