MNYOD [Chapter 28]

62.7K 908 63
                                    

Dedicated itong chapter na to kay alexamae08. Hello! Eto na ang pinangako kong dedication. Keep on supporting MNYOD. Thanks! Love you. Mwah mwah. :*

***

This is an original story.

People, places or events that are similar to others are purely coincidental.

All of the matters written and shall be written are all fictional.

My Nineteen-Year-Old Daddy

Written by: CaraMariaUna

All Rights Reserved | 2012

***

Chapter 28 – Siya na naman?!



[ANNE's POV]


Naglalakad ako ngayon sa corridor ng school namin. Tapos na kasi ang klase namin. So obviously, uwian na nga. Hayy salamat, makakauwi na ako. Wala ng asungot na bubwisitin ako.


"Pssst!"


Kakasabi ko pa nga lang, ba't naman komontra agad? Di ba talaga pwedeng isang araw man lang na di niya ako bwisitin? Eh alam ko naman kung sinong bwisit ang kanina pa sitsit ng sitsit eh. Alam na alam ko.


"Pssst!"


Walang ibang gagawa ng kalokohan na ganito kababaw kundi siya lang. Sa boses palang, alam na alam mo na talaga si Charles Rafael Rodriguez ang kanina pa sitsit ng sitsit sa akin.


"Pssst!"


Kanina pa yan ha. Di naman ako peste para sitsitan. Nakakinis na ah. Konti nalang talaga sasabog na ako. Mahahampas ko ng bonggang-bongga ang sumisitsit sa akin. Panira ng katahimikan.


"Hoy Kulot!"


Lord, tinupad ko naman yung pangako ko ah. Di ko na naman inaaway si manong guard pero bakit ganun? Bakit parang pinaparusahan niyo pa rin ako? Di nga ako naging GRO ng tatay niyang kalbo pero naging laruan din naman niya ako. Lagi nalang ako ang binubwisit niya. Wala na siyang nakitang iba.


"Ms. Stalker!"


Wala na, di ko na kaya. Nakakabwisit na masyado tong lalaking to.


"Ano bang kailangan mo ha?"


"Ayos ah. Ayaw mo sa kulot pero sa stalker, lumingon ka."


Ayan na naman siya sa 'Stalker Thingy' niya. Mukha ba talaga akong stalker ha? Sa ganda kong to? Stalker? Diba dapat admirer kasi maganda?


Teka, ba't naman ako magiging admirer eh wala nga akong admiration sa kanya. Kahit isa. Peksman. Kahit maging straight ba buhok ko. Ahy hindi pwede, erase that. Kahit kumulot pa ng sobra buhok ko.

My Nineteen-Year-Old Daddy - [Finished]Where stories live. Discover now