MNYOD [Chapter 18]

68.1K 1K 107
                                    

Dedicated nga pala ito kay PreciousPrincess23. Sabi niya ang ganda daw ng story ko at sana may movie daw na ganito. Awwww. So sweet talaga. Nakaka-touch masyado. Keep on supporting MNYOD. Love you. Mwah mwah. :*

*

This is an original story.

People, places or events that are similar to others are purely coincidental.

All of the matters written and shall be written are all fictional.

My Nineteen-Year-Old Daddy

Written by: CaraMariaUna

All Rights Reserved | 2012

***

Chapter 18 – Meeting a JERK



[ANNE'S POV]


 "Maam, ano pong kailangan nila?" sabi ng guard na nakapwesto sa parang bahay niya. Guard house ata tawag dun. Nasa school kasi ngayon si Anne. Susunduin niya si Andy.


"Ahh ano kasi, yung pamangkin ko. Susunduin ko sana."


"Po? Eh wala na hong estudyante sa loob."


Nagtataka naman si Anne sa sinabi ng guard. Paano nangyaring walang ng estudyante sa loob samantalang tama naman ang oras ng pagsundo niya? Maaga pa nga siya ng 5 minutes eh.


"Ha? Eh ngayon pa lang naman ang oras ng uwian nila ah."


"Naku, early dismissal po kasi. Biglaan po kasi. Nagpatawag daw ho kasi ng meeting ang may-ari."


Nang marinig iyon ni Anne ay agad siyang nag-panic. Kung totoo nga ang sinabi ng guard, ibig sabihin nawawala si Andy.


"Eh nasan na ang pamangkin ko?!"


"Sigurado po ba kayong di nasundo?"


"Pupunta ba ako dito kung nasundo na?" sagot naman ni Anne na talagang sumisigaw na.


Natataranta na kasi siya. Di niya alam ang gagawin ngayong nawawala ang bata. Dahil panigurado, lagot siya kay Drei.


"Naku, patay ako nito ngayon kay kuya. Eh manong naman eh! Ba't niyo ba kasi hinayaang makalabas?" pagmamaktol ni Anne sa guard. Halata naman ang kaba sa mukha ng guard pero nagawa pa rin nitong magpaliwanag.


"Nagbantay naman po talaga ako. Lahat po sila may sundo nung lumabas."


"Naku Andy, nasan ka na ba? Naku, papatayin ako nito ng tatay mo." Sabi ni Anne na tila kinakausap na ang sarili.


Masyado na siyang nag-aalala para sa bata. Tapos bigla namang nawala ang guard na kausap niya. Naisip niya, WOW! NICE TALKING! >:)))


My Nineteen-Year-Old Daddy - [Finished]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant