This is an original story.
People, places or events that are similar to others are purely coincidental.
All of the matters written and shall be written are all fictional.
My Nineteen-Year-Old Daddy
Written by: CaraMariaUna
All Rights Reserved | 2012
***
Chapter 5 – HE is the Engineer; SHE is the Architect
"Hi. Ako nga pala si – "
Magpapakilala na sana si Drei sa nasabing makaka-partner niya raw sa project. Ngunit nagulat siya sa nakita niya ng humarap ito.
"YANNA?"
Crap. Sa dinami-dami ng taong pwede niyang makasama, bakit si Yanna pa? Yun nalang ang naisip ni Drei ng mga panahon na yun. Ang taong tinataguan niya ang mismong taong makakasama niya.
"Drei?" sabi ni Yanna na halatang nagulat rin na makita si Drei.
"Magkakilala kayong dalawa?" tanong naman ng HCE na tila nakalimutan na ng dalawa dahil natulala na sila sa isa't-isa.
"Well, he is - "
Medyo natagalan muna bago magsalita si Yanna na tila iniisip pa kung ano ang isasagot sa HCE.
"He's an old friend."
FRIEND. Kaibigan. Masakit mang isipin pero itinanggi ni Yanna si Drei bilang boyfriend nito dati. Naisip ni Drei, masyado niya itong nasaktan para ikaila na siya ito sa mga tao. Pero sa kabila nito ay natuwa siya na nakita niya ulit ito.
"Kamusta ka na?"
"I'm fine. Now, sir, can we please proceed now?"
Halatang iniba agad ni Yanna ang usapan para hindi na sila mag-usap ni Drei. Pero sa kabila nito ay di nalang iyon inisip ni Drei. Basta't masaya siya na maganda ang naging buhay ni Yanna.
"Ahh yes. I trust you both to work extremely hard in this project. Nagustuhan ng investors ang mga plano, now it's up to you to make that plans visible. I'll expect hard work then?"
"Yes sir."
"Now, ang gagawin niyo lang ay pag-uusapan ang mga detalye sa paggawa ng resort. Doon kayo mag-uusap sa office mo Mr. Suarez."
"Yes sir. Halika na Yanna."
"It's Rhian actually." Sabi ni Yanna habang papalabas na sila ng office ng HCE.
![](https://img.wattpad.com/cover/1126657-288-k681962.jpg)
BINABASA MO ANG
My Nineteen-Year-Old Daddy - [Finished]
Teen FictionSa murang edad pa lamang ni Drei na NINETEEN ay meron na siyang apat na taong gulang na anak na si Andy. Maituturing na masaya na siya sa buhay niya ngayon kasama ng anak niya. Pero paano kung may isang taong magbalik mula sa nakaraan niya? How will...