7: Friends?

3.2K 193 8
                                    

Anna's POV

"Tiny!" Nakita ko yung alaga namin na K9 na papalapit saakin pagpasok ko ng frontyard namin.

'Tiny' ang pangalan ng aso namin kahit malaki na siya.

Ang cute diba?

Pumasok agad ako ng bahay tska dumeretso sa taas para pumasok sa kwarto. Sa wakas, Tapos na ang terror at halimaw na klase. Makakatulog na ako.

Hihiga na sana ako kaso narinig ko yung malakas sa katok sa pintuan ko.

Kilala ko naman na kung sino yung eh. Tanging si kuya Andrew lamang ang may lakas loob na sirain ang pintuan ko.

"Anna! Open this door!"

Hindi ko siya pinansin. Pero patuloy pa din yung pagdabog niya. Nakakabingi! Ang lakas!

"I said open this effin'door!!!"

Napabuntong hininga nalang ako tska tumayo at naglakad papunta sa pintuan.

Binuksan ko yung pintuan ko tska nakita ko si kuya Andrew na walang damit. Naka boxer lang siya tska ang gulo ng buhok niya.

"The hell, Annan" Sambit niya habang ang sama ng tingin niya saakin. Ano nanaman ba problema ni kuya? Nagbreak nanaman ba sila nung magaling niyang girlfriend?

"Oh?." Walang emosyon kong tanong. Sinamaan niya ako ng tingin at ganun din ginawa ko.

Tumingin siya sa phone niya maya't maya tumingin siya saakin tapos tumingin nanaman siya sa phone niya tska tumingin ulit saakin.

Tinaasan ko siya ng kanang kilay ko tska lumapit ako one step closer sakanya.

Laking gulat ko nalang tska napaatras ako nung tinapat saakin ni kuya yung phone niya.

"Saglit nga, bakit ka pinapatawag ni Kie?" Tanong niya. Nagtaka naman ako kung sino yung Kie na pinagsasasabi niya.

"Kie?"

"Xander." Sabi niya. Hindi nalang ako nagtanong at parang nanlaki mga mata ko.

Damn, the park thingy..

"Ano ba pag-uusapan niyo, ha?" Tanong niya habang naka-kunot ang noo.

"Wala ka na dun! Sige bye! Punta na ako." Hindi ko na hinintay yung isasagot ni kuya dahil dali dali na akong lumabas ng bahay tska umangkas sa bike.

Pagdating ko sa park, nakita ko si Xander na nakaupo dun sa bench mag-isa. Nilapitan ko siya tapos umupo sa tabi niya.

"Hoy panget! Mahigit isang oras na ako na naghihintay sayo oh?" Sigaw niya saakin. Hanggang dito ba naman? Pagsasabihan niya pa ako ng panget?

"Tsk! Bahala ka na nga!" Sigaw ko pabalik. Uminom ako ng tubig.

"Ano bang napag-tripan mo sa buhay at ang dami-dami mong nalalaman na friends friends dyan?" Irap ko.

Tinignan ko siya tinignan niya din ako. Nag-iba agad yung awra niya. Naging serious face NANAMAN siya. Ang bilis niya talagang mag-iba ng mood. Parang mas babae pa ata siya kaysa saakin.

"Let Me Tell You A Secret."

Parang kinakabahan ako sa sasabihin niya. Umiwas agad ako ng tingin sakanya tska hindi na ako sumagot.

Lumapit siya saakin tska tinignan niya ako pero hindi ko yun pinansin.

"What?" Tanong ko pero nakatingin lang ako sa harap.

"Sabi nila, badboy daw ako. Pero pag dating sa mga friends or magiging friends or gusto ko maging friends, mabait ako. Nakakatawa eh noh? Mukha na akong badboy pero exuse me, loyal ako! Nabuibuiset na nga ako sa mga pinagsasasabi nung mga iba dyan eh."

[COMPLETED] Lucky I'm Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon