15: Father

2.5K 166 8
                                    


Anna''s POV

Hanggang ngayon hindi pa rin tumitigil yung agos ng luha ko. Kasama ko ngayon si Xander sa garden namin.

"Shh... Tahan na." Tahan saakin ni Xander pero kahit ultimo pagpunas ng mga luha ko siya na yung gumagawa. Nakakahiya na nga.

"Salamat Xander pero gabi na. Hinahanap ka na ni Xandara."

"Ayoko. Hindi ako uuwi hangga't hindi ka pa tumitigil umiyak." Napangiti nalang ako sa sinabi niya. Ang sarap palang may bestfriend ka na lalaki. Hindi plastic.

"Salamat."

"Just--- shhh.." Hinawi niya ang buhok ko.

Iniwan na kami ni papa. Pinagpalit niya kami sa ibang pamilya. Kahit na umalis siya, wala pa rin magbabago sa kayamanan namin dahil si mama naman ang may hawak ng bussiness namin eh. Kaso I don't know nalang kung makakatrabaho ba ng mabuti si mama.

Si mama andun sa kwarto niya. Ayoko siyang makita kasi nasasaktan ako. Si kuya naman andun sa sala. Umiinom ng kape. Kahit si kuya galit na galit kanina. Dun ako natakot.

"Hey." Napalingon kami ni Xander sa nagsalita. Si Liam. Medyo naganahan din ako kahit papano.

Sinenyasan ni Liam si Xander na umalis nalang daw.

Nung una parang napansin ko na nairita bigla si Xander at putlang putla.

"Sige. Una na ako." Ngumiti si Xander tska naglakad na palayo. Umupo sa tabi ko si Liam. Nakatingin siya saakin. Medyo nahihiya ako kasi itong itsura ko kasi.

"Okay ka lang? Nabalitaan ko kasi yung... Nangyari sa-sainyo eh." Medyo nauutal pa siya pero kita naman yung pag-aalala sa mga mata niya.

"Salamat, Liam. Okay na ako." Ngumiti kaming dalawa. Napatingala kaming dalawa sa langit. Ang daming stars ngayon.

Hindi ko magawang kiligin.

"Liam, diba may minahal ka na?" Tanong ko. Napatingin siya saakin na para bang nagtataka.

Totoo naman. Kalat sa buong school noon two years ago na nagseryoso si Liam sa isang babae.

"Wala pa. Pero may gusto na ako." Wala pa siyang first love? Pero sino yung--- Cassava ba pangalan 'non? Tsk, cassava cake ang nasa isip ko, eh.

"S-sino naman?" Ngumiti siya.

"Ikaw."

"HA!?" Mas nangibabaw ang gulat ko kaysa sa kilig. JSJAIZJDJAK!!!

"Haha! Nagblublush ka!" Hinawakan ko yung pisngi ko.

Hala!

"Ikaw kasi eh!" Natawa nalang kaming pareho.

"Uhmm, Anna?" Napatingin ako sakanya kaso hindi siya makatingin saakin. Bigla tuloy akong kinabahan.

"Pwede ba t-tayo mag d-date bukas?" Hindi ako makasagot.

Bakit parang ang bilis...

Is he---

Uh nevermind.

"Ah... Sige kung ayaw mo wag nalang hindi naman kita pipilitin eh ang gus--" Hindi ko na siya pinatapos.

"Sure." Sabi ko.

Well sino ba naman may ayaw diba?

"Haha! Salamat. Kain tayo sa labas bukas ng lunch." Tumango ako.

Siguro mga thirty minutes din kami nagtatawanan ni Liam dito sa garden. Ang saya niya palang kasama pero may napapansin ako eh.

Parang may mali.

"Anak?" Lumingon kami ni Liam at nakita namin si mama.

"Ahmm... Tita!" Bungad ni Liam kay mama. Kumaway si mama tapos tumingin siya saakin.

"Ah... Liam, gabi na ah? Nagtext saakin si mama mo at uwi ka na daw." Magkakilala si mama at mama ni Liam?

"Ah okay po. Sige Anna." Kumaway saakin si Liam tapos kumaway din ako. Umalis na siya.

Tumabi saakin si mama. Namamaga na yung mga mata niya, naaawa ako.

"Ma, okay na ba kayo?" Tanong ko kay mama. Tumango siya pero hindi pa rin ako naniniwala.

"Kalimutan na natin yun. Wala naman magbabago. Hawak ko ang bussiness natin." Huminga ng malalim si mama bago magsalita. "Matagal na pala tayong niloloko ng papa mo." Nanlaki mga mata ko. Matagal na? Pero---

"May anak na sila ng kabit niya. Seven years old na siya." What!? Seven years na kaming niloloko ni papa? Wow. How pathetic, pa.

Sa sobrang gulat ko hindi ko na namalayan na umiiyak nanaman ako. Paano niya nagawa saamin 'to? Ang galing niyang magpanggap for seven years! Kaya pala lagi siyang wala sa bahay na 'to! Akala niyo mapapatawad ko siya? Mapapatawad namin siya? Sa seven years na pagloloko niya saamin, sino pa ba magpapatawad dun sa lalaking yun?

Niyakap ko si mama kasi umiiyak nanaman siya. Ako naman kanina pa umiiyak. Kamusta kaya si kuya?

"Ito ang tandaan mo anak," Kumawala si mama sa pagkayakap ko sakanya tapos tinignan niya ako deretso sa mga mata ko. "Maghanap ka ng lalaking deserving sayo. Ayokong matulad ka saakin. Ayokong masaktan ka. Kung sa tingin mo, deserving ka kay Liam, just follow what your heart says."

Simple but meaningful.

Ngumiti kaming pareho ni mama. Hinaplos niya yung buhok ko tapos hinila niya ako patayo.

"Matulog ka na. May pasok pa kayo bukas." Hinila ako ni mama pero pinigilan ko siya.

"Ma, may date daw kami ni Liam bukas ng lunch. Okay lang ba?" Ngumiti si mama sa nasabi ko.

"Alam niyo, kinikilig ako sainyong dalawa eh. Haha! Sige lang payag ako." Niyakap ko si mama. Kahit kelan talaga maskinikilig pa siya.

Umakyat ako ng kwarto ko. Bago ko pa ipikit yung mga mata ko, naisipan ko na puntahan si kuya sa kwarto niya.

*Knock*

Kahit wala pang sagot si kuya Andrew pumasok na ako sa loob. Nagulat ako kasi may mga luha sa mata ni kuya. Kahit badboy kasi si kuya, may kahinaan siya lalo na pagdating sa pamilya niya. Hindi ko na siya masisisi.

Umupo ako sa tabi ng kama niya. Tahimik lang kami ng ilang minuto kaya binasag ko na yung katahimikan nakakabingi na eh.

"Okay ka lang?" Tanong ko. Hindi makatingin saakin si kuya. Hindi din siya sumagot. Hinaplos ko yung likod ni kuya tska ko niyakap.

"Kuya, can you promise me one thing?" Tanong ko. Napatingin siya saakin na nakataas kilay.

"What?" Mahinang tanong niya. Ngumiti ako tapos kumalawa sa yakap.

"Promise me na ikaw ang tatayong tatay saamin." Nagulat siya peri sa huli pumayag din siya.

"Hinding hindi ko kayo papabayaan ni mama." Niyakap ako ni kuya.

"Thank you kuya for being the best brother to me." Hanggang ngayon magkayakap pa rin kami.

"Matulog na. Maaga pa tayo bukas. Arasso?" Tanong ni kuya.

"Arasso." Sagot ko naman.

Lumabas na ako ng kwarto ni kuya tapos pumasok na ako sa kwarto ko.

Mapapatawad ko pa ba si papa?

Siya pa naman ang iniidolo ko tapos ngayon, niloloko lang pala niya kami? Psh... Magartista nalang kaya siya? Ang galing niya magpanggap eh.

Pero hindi ko makakalimutan ang promise saamin ni kuya. From now on, siya na ang tatayong tatay saamin.

[COMPLETED] Lucky I'm Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon