53: Relationships

2.4K 61 141
                                    

Ate Iya's Note: Madami na namang PoVs dito :*

-

Andrew's POV

"Samahan niyo na kasi ako." Pinalo ako ng unan ni Kie kaya mas lalo akong nabwisit. Ang aga aga nambubulabog. Tsk.

"Go on your owwwwn!" Tinakpan ko ng unan ang tainga ko.

"Kung ayaw niyang sumama, hayaan mo na." Nakita kong umirap si Selina na kanina pa palakad lakad sa harap ng kama ko. Nagulat ako at biglang nag-panic.

"Hoy! Anong ginagawa mo dito, ha!?" Tinignan niya ako at tinaasan niya ako ng kilay. Aba.

Baliw ba ako o sadyang napangiti ako sa reaksyon niya?

"Kung pwede sana, maligo ka nalang at pupunta na tayo!" She rolled her eyes and flipped her hair. Rumampa-rampa pa palabas ng kwarto ko. Sinundan ko siya ng tingin.

Tokwa.

"Drew naman, wag kang kill joy." Tinignan ko si Kie na mukhang batang babae na nagmamaktol.

"Anong oras ba ang dating ni Xavi?" Tanong ko sabay upo.

"Fuck? It's seven in the morning at nine ang dating niya. Sa airport pa natin siya susunduin."

Wengya. Maaga pa pala eh. Pumunta na ako ng banyo para maligo at magbihis. Traffic pa nga pala ngayon.

Habang naliligo ay napapaisip ako. Linagay ko ang isa kong kamay sa pader at dinadama ang tumutulong tubig sa katawan ko habang nakapikit.

Naireport ang namatay na si Vicky. No one really knows what happened after that. Basta ang alam ko, yun ang sinabi saakin ni Kie na plano.

Si Cassandra naman, inilibing na kahapon. I really feel bad for her. Pero sa tingin ko, ang pinaka-naapektuhan saamin ay si Liam

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng simple. White shirt, maong at rubber shoes.

Habang bumababa ako sa hagdan ay nahuli kong nakatingin si Selina saakin. Umiwas agad siya.

Hindi ko alam pero unting umangat ang gilid ng labi ko.

Kumain muna ako. Naglalaro sa sala sina Kie, Andrei, Liam, Ara at Anna ng NBA sa TV habang busy sina Jamille, Kaize at Jasper na tutok sa phone nila. Si Selina naman panay ang tingin saakin. Problema neto?

Hindi ako maka-focus kumain dahil sa tingin niya. I can now feel those butterflies.

"Stop that thing or else you want me to fall for..." Bulong ko sa sarili ko at napa-pikit.

Itinigil ko ang pagkain ko kahit wala pa ako sa kalahati. Busog na ako. Wala na akong gana.

There is really something wrong with this.

-

"Selina, doon ka na sa front seat. Kami na dito sa likod." Sabi ni Anna. Nagulat ako. Ako pa naman ang mag d-drive.

"Okay." Mas lalo akong nagulat nung pumayag siya.

Bakit ba ako nagugulat sa simpleng mga bagay?

Habang nag-d-drive ay hindi ako makapag-concentrate. This bullshit is really making me crazy. There is something really wrong with this.

Lalo na sa nangyari nung birthday ni Anna ng gabi.. Aish!

FLASHBACK

Pumasok na ako ng kwarto ko sa hotel para matulog. Sa sobrang kalasingan ko parang hindi ko na maibalanse ang katawan ko habang naglalakad.

[COMPLETED] Lucky I'm Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon