29: SaturDate

2.9K 153 296
                                    


Anna's POV

"Anak, yung mga bilin ko sayo ha!?"

"Opo mama!" Sana wag na niyang ulitin pa.

"Wag kang tulo laway pag tulog ka sa byahe.
Wag kang mag papahalata na kinikilig ka. Wag kang kakain ng madami sa harap ni Liam. Tapos---"

"Mama!" Ang kulit talaga ni mama. "Okay na po alam ko na."

"Hmm.. Fine!"

Nagaayos ako ng mga gamit ko. Ang aga aga pa, 4am palang ng madaling araw pero gising na si mama at kuya. Sasama daw kasi si kuya sa appointment ni mama kaya hindi siya makakasama samin nila Liam.

"Subukan mo lang gumawa ng kalokohan dun." There goes my brother again. "Inutos ko kila Liam na sa isang sasakyan lang kayo nila Xander at Selina para mas safe."

"Opo." Aigoo whatever kuya ang bossy bossy niya talaga kahit kelan. Tinignan niya ako tapos ang sama ng tingin niya. Problema niya?

"Kahit wala ako dun, may mata pa rin ako sayo." Tininisan niya yung mata niya sakin. Sino naman kaya yung mata niya dun? Psh... -_-

"Bahala na."

"Kain na!" Ang bango nung naaamoy kong ulam. Aish nakakainis nga kasi tumataba na ako.

Umupo na ako tapos kumuha na ng ulam. Dinamihan ko na para hindi ako makita nila Liam na patay gutom mamaya. Haha >_<

*BEEP BEEP*

Omo! Andyan na sila? Pero ang aga naman ata. Hays bahala na si Pikachu. Kumuha nalang ako ng tuna sandwich, my favorite.

"Mag ingat ka!" Sabi ni mama.

"Samahan na kita sa labas." Utos ni kuya kaya sumunod siya sakin.

Pagkalabas namin ng bahay bumungad agad sakin yung napaka gandang
Chevrolet Silverado 3500HD!
Wow! Kila Liam 'to. Ang yayaman aber. >_<

"Behave ka dun, arasseo?" Ilang beses na yan sinabi ni kuya? -_-

"Yes kuya. Okay na?"

Tinignan niya lang ako ng masama tapos binatukan niya ako. Ouch ha?

"Sige na sige na. Tsk." Napakamot lang siya ng ulo niya tapos pumasok na siya sa loob ng bahay.

Dumeretso agad ako sa sasakyan niya. Pagkabukas ko ng pintuan nakita ko sa likod si Selina na natutulog. Napuyat siguro siya, si Xander naman nasa harap nakatingin sa bintana, ang lalim ng iniisip ni mokong.

"Good morning Anna. Kamusta tulog mo?" Tanong sakin ni Liam, siya kasi yung driver.
Pumasok muna ako sa loob bago sumagot.

"Okay naman. Haha."

"Matulog ka muna, mahaba haba pa kasi yung byahe." Lumingon siya sakin tapos ngumiti. Magsasalita palang sana ako kaso naunahan ako ni Xander.

"Sus, wag mong patulugin yan. Haha tulo laway yan eh." Putragis kang tinapa ka! Sinabi niya ba yun? Bastos 'to ah! Nakakahiya tuloy kay Liam. >_<

"Huy! Hindi ah!" Natawa tuloy siya. Buiset naiinis na ako! -_-

"Haha. Sige na matulog ka na muna. Gigisingin nalang kita pag nasa Tagaytay na tayo." Ngumiti sakin si Liam

"O-okay." Sumandal ako tapos ipinikit ko yung mga mata ko. Tinakpan ko nalang yung mukha ko gamit yung panyo ko para by chances na tumulo talaga laway ko. Haha! >_<

Nung nakatulog na ako naramdaman ko na yung pagpapatakbo ng sasakyan ni Liam.

_

Nakapikit palang ako pero parang nasisilaw ako. Pagkamulat ko ng mata
ko... Waaaaahhh!!! Si Xander kinukuhanan ako ng picture!

[COMPLETED] Lucky I'm Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon