25: Mystery Girl

2.7K 157 56
                                    


Anna's POV

"Hay nako Andrew lintek kang bata ka! Ayan tuloy yang napala mo! Hindi kita ganyan pinalaki! Sinong may gawa sayo niyan ha!? Sino!?"

Jusko akong natatakot sakanilang mag-ina. Huhu ayan kasi kuya bahala ka na diyan.

Umakyat na ako sa kwarto ko. Habang papaakyat ako naririnig ko pa rin yung sagutan nila mama at kuya Drew sa baba. Hahaha belat ka ngayon kuya yan kase kung ano anong ginagawa. Haha!

Kinuha ko yung bag ko tska yung mga gamit ko.

"Una na po ako ma!" Umalis na ako ng bahay.

Bahala na si kuya Andrew madami namang sasakyan yung lalaki na yun. Eh halos tatlo tatlo nga yung mga Audi niya eh. Ako? Iisa lang. Hehe.

Pinaandar ko na yung kotse ko tapos pumunta na ako ng school.

Pagkadating ko dun as usual kadaming babae yung nagpapantasya dun sa tatlo.

"Kyaah Andrew ang sexy mo!"

"Xander ang hot mo!"

"Liam be mine!"

Ay letchugas wag naman si Liam oh. Akin yun eh. Akin yun! Ay echusera mo Anna. Wag ka nga dyan.

Habang naglalakad ako sa hallway walang tao. Ganito naman palagi walang katao tao tapos tahimik pero ang pinagtatakaan ko lang bakit parang may nakatingin sakin? I mean parang may naaaninag akong mata or someone na nakatingin sakin.

Nung tumalikod ako wala namang tao. Humarap ulit ako tapos pinagpatuloy ko na yung paglalakad ko.

Wala pa akong sampung hakbang bigla akong nakarinig ng footsteps sa likod ko.

Bigla akong tumalikod. Natulala lang ako sa nakita ko. Nakatingin lang siya saakin, dahilan para mapuno ng takot yung buong kaluluwa ko.

TUG TUG TUG TUG

Nakatingin lang siya saakin. Naka all black siya tska naka black leather jacket. Meron siyang mahabang buhok na color brown tapos naka bonet siya. Hindi ko makita yung mukha niya kasi naka shades siya tska naka mask.

Nung tumagal na kaming nagkatitigan sa isa't isa, binaba yung mask niya tapos bigla siyang ngumiti

Isang nakakatakot na ngiti.

Linagay niya yung dalawa niyang kamay sa bulsa niya tapos tumalikod siya at umalis.

Naiwan akong tulala. Para akong nasakluban ng langit at lupa sa nakita ko. Si Mystery Girl. Sino ba siya? May galit ba siya sakin? Siya ba yung kanina ko pa napapansin na nakatingin saakin? Pero sino siya?

"ANNA!!!"

May biglang humablot ng kamay ko tapos hinarap niya ako sakanya. Nakita ko si Xander sa harap ko pero tulala pa rin ako. Wala pa rin ako sa sarili ko.

"Anna!" Hinawakan niya yung balikat ko tapos niyugyog niya ako. "Anna what happened!?"

Napatingin ako sakanya. Tama ba na sabihin ko sakanya? Dapat ba na sabihin ko sakanya? Hindi. Ayaw ko na siyang madamay sa gulo na meron ako. Ayaw ko siyang madamay sa problema ko.

"Ha? Ah wala wala. Sige mauna ka na dito muna ako." Gusto ko ulit makita yung Mystery Girl na yun. Gusto ko siyang makilala, kung bakit niya ako sinusundan.

"No. I mean, sumama ka na sakin. Umalis na tayo dito." Bakit parang pinagpapawisan siya? Tapos parang namumula siya?

"Mauna ka nalang. May... May gusto lang muna akong makita." Gusto ko talaga siyang makita.

[COMPLETED] Lucky I'm Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon