28: Plan (Short Chapter)

2.1K 155 70
                                    


Anna's POV

Buiset -_-

"Take your break!" Pumunta ako dun sa gilid ng stage para magpahinga. Ang sakit ng balakang ko, eh paano ba naman kasi wala na akong ginawa kundi umupo at humiga. Para nga lang akong baliw eh.

May biglang humablot ng kamay ko tapos hinila niya ako papunta sa canteen. "Samahan mo ako." Sabay tawa. Psh ang hilig niyang humila.

"Sama akooo!!!" Nung lumingon ako sa likod nakita ko si Selina na tumatakbo palapit samin.

Nung nasa canteen na kami nakita namin dun si kuya Andrew na kumakain tapos si Liam na busy sa phone niya.

Umupo naman si Xander sa table nila kaya wala na kaming choice ni Selina, nakitabi nalang din kami.

"Hi Anna!" Yan agad yung bungad sakin ni Liam. Si kuya naman parang nandidiri kung tumingin samin. Ano kayang problema niya? Bakit ba kasi ayaw niya si Selina eh ang ganda ganda naman ni Selina tapos ang bait pa. Ay bahala siya, choosy ampotah!

"H-hello." Nauutal ako kapag kausap ko si Liam. Malay ko ba, eh sa utal utal ako eh. >_<

"Ah Anna, nga pala..." Sabi ni Liam. Parang kinabahan ako kung ano yung itutuloy
niya. "May event kasi sa Tagaytay bukas, eh couples lang yung mga aattend. Pwede ba kitang isama?"

OMO! @_@

"Ah eh..." Kinabahan ako, tinignan ko si kuya Andrew pero naka poker face lang siyang nakatingin sakin.
"Kuya papayag ka ba?"

Nakatingin lang siya saakin na naka poker face. Whatever kuya.

"Well it's your own choice. Safe ka naman kay Liam." Hindi pa rin nag babago yung poker face niya.

Magsasalita palang sana ako kaso biglang sumingit si Xander at tumawa ng malakas.

"What a coinsidence nga naman. Eh pupunta rin ako bukas dun eh."

Pupunta din siya bukas? So ibig sabihin group date? Wow ha.

"Good! Now mas safe si Anna kaya as a kuya, sabay sabay nalang kayo." Ang bossy ni kuya. Sabagay mukhang masaya naman na rin pag group date pero mas romantic kasi kapag kaming dalawa lang ni Liam, like, Big Time. Haha! >_<

"Okay sige. Sasabay nalang din si Xander satin." Kumindat kindat pa si Liam. Hays bakit nung nagpasabog si Lord ng mga gwapo gising na gising siya? Kasi ako, nakatulog eh.

*Phone Ringing*

Nagriring yung phone ni Selina kaya agad niya yun na sinagot.

"Hello ma?..... Ha!?..... Okay..."

Napatingin kaming lahat sakanya. Maya maya tumawa lang siya.

"Guys coinsidence nga talaga. Pupunta ako bukas sa Tagaytay dun din sa event kasi si mom yung organizer nun. So I guess it's a group date, huh?"

Seryoso. Pinaglalaruan ba kami ni TADHANA? Wahh lintek na tadhana yan. Edi group nga talaga? Wow ha. WOW.

"So ako lang ang hindi sasama." Natatawa pa si kuya Andrew. "May appointment kasi si mom bukas kaya sasama ako sakanya."

"Okay kuya. Whatever." Kumagat ako ng sandwich ko. Favorite ko talaga ang sandwich.

"Hoy Anna behave ka bukas." Ang bossy niya talaga kahit kelan.

"Okay boss."

"Mukhang exciting bukas ha?" Natatawa pa si Liam. "Excited na ako."

Ako ay? Medyo. Medyo excited, medyo kinakabahan.

Ano kayang mangyayari bukas? Bahala na si Pikachu.

Selina's POV

Harharhar whatever. Nakaka bawas ng ganda yung practice.
Ewan ko ba hays! -_-

Speaking of, naglalakad ako ngayon sa hallway. Hindi ako kinakabahan kasi meron naman madaming tao ngayon unlike nung kahapon na ang creepy pero parang may nagmamasid nanaman sakin. Bahala na.

You know guys, may napapansin ako kay Xander. Ha-Ha-Ha.

"Excited na ako bukas sa Tagaytay." Sabi ni Xander na nasa tabi ko. Pareho kaming naglalakd sa hallway, si Anna kasi andun kila Andrew at Liam.

"Excited ka?" Sarcastic kong bulong pero mukhang hindi niya narinig yun.

Hays kung alam mo lang, Xander. Kaya mong lokohin at utuin ang lahat wag lang ako. Akala mo hindi ko napapansin? Haha. Wag ako boy. Ang hirap talagang pagsamahin ang isang taong ubod ng TORPE at isang taong ubod ng MANHID. Hays ewan ko ba sa dalawang mag-bestfriend na 'to. Ang sarap pag-untugin eh para magising na sa katotohanan.

Tumigil ako sa paglalakad ko at hinarap ko si Xander kaya napatigil din siya.

"Bakit ka tumigil?" Tanong niya. Tininisan ko siya ng mata at tinaasan ko ng kilay.

"Harapin mo nga ako Xander. May gusto ka ba kay Anna?"

Nanlaki yung mga mata niya at napa nganga siya. Gulat na gulat siya at para siyang nakakita ng multo.

"Wala ah! Wala talaga!" Ang bilis niyang magsalita. Wala? Eh bakit parang...

"Okay." Sagot ko. Bahala nga siya. Nag patuloy nalang kami sa paglalakad namin.

"Hindi ko siya gusto....." May binulong siya pero hindi ko narinig.

"Ulitin mo nga yung sinabi mo?" May binulong siya eh.

"Sabi ko ang gwapo ko!" Psh ang vain niya masyado.

"Whatever." Pagtataray ko.

"Lagi nalang nag dadate sila Anna at Liam! Akala mo naman, sila na. Tapos ang tamis tamis nila. Psh!" Woah haha ay naku Xander.

I KNEW IT.

________________________________

---A/N---

Matagal makakapag Update si Author kasi SOBRANG haba ng susunod na chapter. Sorry kung nabitin kayo kasi short chapter lang yan. Sinadya ko talaga na maging short chapter yan. Haha.

[COMPLETED] Lucky I'm Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon