35: Asaran

2.2K 145 157
                                    

Anna's POV

Bakit tumatakbo si Xander? San kaya siya galing? Haha late din siguro siya.

Kinuha ko nalang yung mga libro ko tapos tumakbo nalang ako na akala mo wala nang bukas.

Pagkatapat ko sa room namin lahat ng estudyante naka tingin sakin. Buti wala pa yung prof namin. Ayoko na kayang magka detention.

"Whoa."

"ANNA!" Inakbayan ako ni Andrei mula sa likod. "Saan ka galing? Pawis pawis ka."

Tinignan ko yung uniform ko, oo nga. "Ah wala napatagal lang ako ng kain.

Tinignan lang niya ako ng seryoso maya maya may inabot siya. "Detention slip mo."

Binatukan niya ako ng mahina tapos hinila niya ako papasok ng room.

Umupo ako, katabi ko nga pala si Andrei. Lumipat kaya siya ng section?

"Asan si Kie?" Hinanap ko siya sa room pero wala pa.

"Hinahanap mo? Ayiee! Oh ayan na si Kie oh, Kie!"

Pawis na pawis din siya, malamang tumakbo eh. Umupo siya agad sa tabi ni Andrei so bale napaggitnaan namin si Andrei.

Binato niya sakin yung bimpo niya, ang bango amoy lavender.

"Hoy panget! Mag punas ka nga! Nakikita na yang sando mo!"

Tinignan ko yung uniform ko, halla shems oo nga! Huhu nakakahiya. Buiset 'to si Kie ipagsigawan daw ba!?

"Ganyan mo ba talaga kamahal si Anna pre? Imbis na magpunas ka ng sarili mo inuna mo pa siya! Ayiee yun oh!"

Binato ng notebook ni Kie si Andrei pero buti nalang nakailag siya.

"Gagu! Ang sagwa kasing tignan! Muntik na nga akong masuka! Yuck!"

"Hoy Kie! Kapal mo! Oh ayan!" Binato ko agad sakanya yung bimpo niya. Bastos na bata bakit sino ba kasing nagsabing pahiramin niya ako? Kupal talaga.

"Thank you ha!?" Sarcastic pa niyang sabi.

"Welcome!" Sarcastic din ako. Buti nalang napaggitnaan namin si Andrei kundi baka naupakan ko na 'tong unggoy na 'to.

"LQ kayo?"

"TSE!" Sabay pa kami ni Xander. Tinalikuran nalang namin si Andrei. Kaso siya naman kawawa kasi nasigawan namin siya.

"Galit kayo? Edi ako rin! Akala niyo kayo lang? Tse!"

Palihim akong natawa kay Andrei. Joker din pala 'to kahit kelan. Haha!

"Teka nga Anna, saan ka ba galing?" Sasabihin ko ba kay Andrei? Wag na.

"Diba nga napatagal lang ako ng kain?"

"Sinungaling."

Napatingin kaming dalawa ni Andrei kay Kie. Psh bakit alam niya ba na nasa Music Hall ako? Asa siya.

"Bakit Kie? Alam mo ba kung nasaan si Anna kanina?"

"Oo. Kasama niya si Liam." Ha!? Paano niya nalaman!? Kaya ba siya tumatakbo kanina!? Galing rin ba siya ng Music Hall!?

"Aba alam na alam ah? Haha." Ang sama ng tingin ni Xander kay Andrei.

"Nakita ko lang sa FB! Muntikan ko na ngang naitapon yung phone ko eh, may pangit kasi na kasama si Liam."

"Teka! Hindi ko pa nakikita!" Nilabas agad ni Andrei yung phone sa bulsa niya. Nanlaki agad yung mga mata niya nung nakita niya yung picture namin ni Liam.

[COMPLETED] Lucky I'm Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon