40: Champion

2K 137 77
                                    

Anna's POV

"Anna gising na."

"Opo kuya!"

Bumangon na ako at naligo tska nag bihis. Ano ba naman napuyat ako kagabi, nanood kasi ako ng favorite TV show ko eh hating gabi na yun. Pambihira naman talaga oh.

Umupo ako sa tabi ni mama at kumuha na ako ng pagkain.

"Starting today, sakin ka na sasabay sakin papuntang school." Nabulunan ako sa sinabi ni kuya at buti nalang binigyan ako ng tubig ni mama.

"Ha!? Eh paano yung kotse ko? Meron naman ako ah."

"Rules are rules. It's either sasabay ka or sasabay ka." Nagbigay pa ng choice ah? "Bilisan mo."

Kinuha niya yung bag niya tska na siya umalis. Wow ha? Seryoso ba siya na sasabay na ako sakanya starting today? Pero... Aish!

"You heard your kuya."

"Hayss.. Sige mama mauna na po ako." Kinuha ko yung gamit ko tska na ako umalis ng bahay.

"Ingat!"

Pagkabukas ko palang ng sasakyan ni kuya, tss. Amoy lalaki.

Waaah!!! Ang bilis mag patakbo ng sasakyan ni kuya! Maiiwan na ata kaluluwa ko sa ere eh. Grabe. T_T

Pagkadating namin sa school nag park na siya.

"May basketball mamaya sa gym. Stay with Selina and with your other friends. Araso?"

"Ne. Bye kuya."

"Stay safe!"

Bumaba na ako ng kotse niya. Sabi niya naman yun eh, stay lang daw ako kila Selina, Sheena, Ara at Jamille. Psh napaka bossy talaga niya. Pero kahit papano mahal ko pa rin yung unggoy na yun. Hehe >_<

"Hi Anna!" Lumapit agad sakin sila Selina, Jamille, Ara at Sheena. Ang saya naman ata nila? >_<

"Uhmm hello?"

"May basketball mamaya." Nag sad face 'to si Selina. "Hindi kami makaka punta ni Jamille. So ibig sabihin hindi ko mapapanood si Andrew! Huhu!"

"Ha? Bakit?" Obvious na nga talaga na patay na patay 'tong si Selina sa kuya ko.

"May modeling kami ni Jamille mamaya, eh iisang shift lang yun kaya kelangan talaga andun kami." Kawawa naman siya.

"Eh si Ara?"

"Ah manonood ako!" So siya pang makakasama ko mamaya papunta sa gym.

"Sayang talaga hayss!" Reklamo ni Jamille.

Saktong pagkadating namin sa tapat ng room andun na lahat ng mga kaklase namin pero wala pa yung prof.

"Kita nalang tayo mamaya Anna!"

"Sige bye!" Pumunta na silang apat sa kani kanilang section. Malas naman sana kaklase ko rin sila eh.

"Hi Anna!" Nakaupo na si Andrei.

"Hello." Umupo din ako sa tabi niya. Wala pa si Kie, asan nanaman kaya yun?

"Hinahanap mo siya?" Natigilan ako sa tanong ni Andrei.

"Sino?"

"Si Kie. Psh indenial pa.." May binulong siya pero hindi ko narinig.

"Ulitin mo nga sinabi mo?"

"Wala! Oh ayan na si Kie oh! Kie!" Dumating na si Xander tapos umupo siya sa tabi ni Andrei.

"Huy sad ka ngayon?" Tinignan ko si Kie, para siyang nasakluban ng langit tska lupa.

[COMPLETED] Lucky I'm Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon