24: Who Are They?

2.2K 151 46
                                    


Andrew's POV

Asan na ba ako? Puro puti nakikita ko sa paligid. Wag mong sabihin na patay na ako? Pucha akala ko ba matagal mamatay yung masamang damo? Ang huling pagkaka tanda ko may sungay pa ako. Tska isa pa kung puro puti yung nakikita ko malamang langit na 'to pero hindi ako qualified sa langit eh.

"Hoy Andrew!"

Taena sakit sa tenga nung boses na yun ah! Si kamatayan na ba yun? Baka sinusundo na ako dito. Bigla tuloy akong kinilabutan, teka pati ba patay kinikilabutan pa din?

"Hoy Andrew wag kang mag tulog tulugan dyan ugok!"

Napansin ko lang nakapikit pala ako. Akala ko dilat mata ko, kaya pala puro puti lang yung nakikita ko. Unti unti kong binuksan yung mga mata ko, yung magaganda kong mata. Pagkadilat ko ng mata ko nakita ko si Xander. Galing pala sa amazong lalaki yung boses na yun. Nasa hospital lang pala ako, sabagay puro puti lang naman makikita mo sa hospital diba? Akala ko talaga patay na ako. Nako sayang yung lahi ko kapag nangyari yun.

"See? Sabi sainyo matagal mamatay ang masamang damo." Tatlo silang nasa paligid ng kama ko. Si Anna, si Xander tska si Liam.

"Tanda okay ka na ba? Pinag alala mo kami ah." Umupo ako sa kama. OUCH! Naknang tupa ang sakit ng ulo ko! Nahilo ako dun ah. Ano ba kasing nangyari? Inalala ko yung nangyari...

Nasa kwarto ako tapos biglang may tumawag sakin. Sabi ni unggoy nasakanila daw si Anna kaya nag alala ako tapos pumunta na ako dun sa warehouse. Pagkarating ko dun wala naman si Anna at pinapunta lang nila ako dun para bugbugin. Tska yung ano... Yung ANO!!!

"Nasaan yung envelope?" Bigla kong tanong. Naalala ko yung envelope na binato saakin ni Marco kagabi.

Inabot saakin ni Liam yung envelope tapos binuksan ko agad.

Lahat ng kasalanan ay pinagbabayaran. Kung ako sainyo maghahanda na ako. Lalo ka na Xander Reyes.

-K & G

Who the heck is this?

"Sinong may gawa sakin neto?" Tanong ko. Nagkatinginan sila Xander at Liam tapos tinignan nila si Anna. Oo nga pala wala siyang kaalam alam dito.

"Anna bilhan mo nga ako ng pagkain diyan sa labas." Para hindi na niya marinig kung sino yun. Ayaw ko na siyang madamay sa gulo.

"May utusan ka na pala ha!? Pasalamat ka baldado ka! Tska isa pa magpasalamat ka kasi hindi ko pa 'to sinasabi kay mama! Tse! Kahit kelan ang badboy mo talaga kuya!" Umalis na siya na nagdadabog pa rin. Ang daming arte bibili din naman. Tsk mga babae talaga ang hirap intindihin.

"Ano? Sinong may gawa sakin neto!?" Huminga muna ng malalim si Liam.

"Hindi pa natin alam kung sino si K & G." May kinuha siya sa bulsa niya, isang silver plate. Pinakita niya saakin yun.

Isa siyang silver plate na maliit lang. Rectangle siya tska may nakasulat.

Bilga akong natakot. Naalala ko yung sinabi saakin nung isang gorilla kagabi.

"Xander ikaw ang habol nila." Bigla kong naalala. Siya yung habol nila dahil hindi pa sila nakakamove on sa mga pinaggagagawa ni Xander nuon two years ago.

"I know. Kaya nga pinanghuhulaan pa natin kung sino si K & G na yan eh." Sagot niya.

"Malamang yang K & G na yan ay pangalan. May kilala ba kayong pangalan na nag uumpisa sa K at G?" Singit ni Liam. Actually madami kaming kilala na nag uumpisa ng K at G pero wala naman kaming alam na may ginagawa kaming masama sakanila.

[COMPLETED] Lucky I'm Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon