19: Afternoon Before Tomorrow

2.5K 165 3
                                    


Anna's POV

*Tootoot*Tootoot*

Kinapkap ko yung phone ko pero nakapikit palang ako. Nung na kapkap ko na pinatay ko agad yung phone ko.

Tinignan ko yung orasan pero hapon palang pala. 1pm.

Napaupo ako sa kama ko tapos dumeretso ako sa banyo para maghilamos.

After kong maghilamos, bumaba na agad ako tapos dumeretso sa kusina. Ang dilim dito sa bahay. Tahimik tapos walang tao. Nasaan kaya yung mga yaya dito!? Yah!!!

Binuksan ko yung ref tapos kumuha ako ng isang Tobleron. Pagkasara ko ng ref may nakita na agad ako na note.

Nag-iwan ng note si mama na may pinuntahan lang daw siya para sa meeting.

Umupo ako sa couch at pinaandar ko yung TV tapos kumain ako ng Tobleron.

Nung nakalahati ko na yung Tobleron, bigla namang umepal yung isang asungot.

"Kuya! Akin na yan!" Kinuha naman kasi ni kuya yung chocolate ko! Huhu T_T

"Bahala ka, tataba ka niyan pag puro ka chocolate." Natigilan ko. Ako tataba? Halla oo nga tumataba na ako.

Bigla namang tumawa ng malakas si kuya tapos umakyat na siya sa taas papunya sa kwarto niya.

Huhu! Tumataba na ba ako!?

Like, the hell I care? Pumunta ulit ako sa ref tapos kumuha ako ng isang pack ng Kisses.

Ayun, kinain ko ng kinain hanggang sa maubos ko yung isang buong pack. Ang takaw ko rin eh.

Nung nainip na ako, pinatay ko na yung TV tapos umakyat ako sa taas ng kwarto ko.

Nagpalit muna ako ng damit tska ako lumabas ng bahay.

Pupunta ako ng park ngayon or kung masyadong madaming tao sa park, dun muna siguro ako sa Sunshine Tunnel Park. Walang masyadong tao dun tapos malamig dun sa lugar na yun.

At hindi nga ako nagkakamali, ang daming tao dito sa park. Wala na nga ata akong space eh.

No choice, dun ako sa Sunshine Tunnel Park.

Xander's POV

"Xander, pakikuha nga pala kay tita yung dress na isusuot ko na wedding niya. Please?" I know hindi ko matitiis si Xandara.

"Sure. Saan ba?" Tanong ko habang nagpapalit ako ng shirt ko.

"Dyan lang sa Sunshine Tunnel Park." Mukhang naganahan ako. Parang gusto ko din pumunta eh.

"Okay po. Pwede mamasyal din ako dun?" Tanong ko kaya tumango si Xandara.

"Okay. Got to go, Twinny."

Umalis na ako sa bahay tapos pinaandar ko na ang sasakyan kong Audi R8 na kasing gwapo ko.

Habang inaatras ko yung kotse ko palabas ng garahe, nakita ko si Liam na naglalakad. Aba, di niya ata kasama si Anna. Ewan ko kung bakit ayaw ko siyang kausapin? Naiinis lang ako. Eh bakit nga ba ako naiinis? Abno ata ako eh.

Tuluyan nalang ako umalis.

Pagkadating ko sa Sunshine Tunnel Park, WOW. Ang ganda dito. Para kang nasa tunnel na gawa ng carved leaves. Wala namang tao dito. Pumunta muna ako sa bahay nila tita Dane tapos kinuha ko na yung damit ni Xandara.

Linagay ko muna yung damit ni Xandara dun sa kotse ko. Baka mawala ko pa eh mamamasyal pa nga ako eh.

Nung nasa Tunnel Park na ako, umupo muna ako dun sa bench. Grabe nakakarelax dito. Kung pwede nga lang dito na ako tumira eh.

[COMPLETED] Lucky I'm Inlove With My Bestfriend Where stories live. Discover now