Chapter 1: Start

6K 210 12
                                    

(This will be a short chapter for a meanwhile. Start of long chapters: Chapter 10.)

Anna's POV

Naglalakad pa lang ako papasok ng University ay rinig na rinig ko na ang mga tilian ng mga babae.

"Omg andyan na sila~"

"Xander's looking at me!"

"Ang gwapo talaga nila lalo na si Liam noh?"

"Right girls, I like Andrew even more."

Tch, masyado naman sila. Estudyante lang naman silang tatlo dito ah? Pffft. Di naman siguro obvious kung kapatid ko si Andrew Garcia diba? Oo, kapatid ko yan. Yun nga lang hindi laging nagkikita ang landas namin dito. So why bother? Magkapatid kami pero hindi turingang magkapatid.

Nang mapadaan ako papunta sa locker ay naagaw ang pansin ko sa nagbubuhol-buluhang mga estudyante sa corner. Ano pa bang bago? Artista? Bully? Scandal?

"Layuan mo na nga akong halimaw ka!"

Nung marinig ko ang boses na yun galing sa nagkukumpulan ay hindi na ako nag-abalang sumulip pa. Oo na ako na chismosa!

"TABI!!" Pinilit ko talagang sumingit.

Nanlaki ang mga mata ko nung binuhusan ni--- ewan ko kung anong pangalan. Binuhusan niya ng Juice yung babae. Halaaa! Bigla tuloy nilang pinag-pipicturan yung babae habang umiiyak. Kawawa naman.

Tinignan ko yung lalaki na bumuhos, nasa likod niya si kuya Andrew at tabi niya si L-Liam..

Nung magtama ang tingin namin nung lalaki ay sinamaan ko siya ng tingin. Ha! Lakas niyang mang-trip ah?

Nilapitan ko yung babaeng binuhusan ng Juice at ibinigay ko sakanya ang panyo ko "Salamat." Mahinang sambit niya.

"Tss here comes the savior."

"Pabida!"

"Nagpapaka-bayani lang?"

"Hoy Anna! Anong ginagawa mo ditong babae ka? Ha?" Wow! Pagsigawan ba naman ako dito ng Napaka-galing kong kuya!?

"Hoy ka din! Isa pa isusumbong na kita kay mama!"

"Edi isumbong mo! Pake ko ba? Hahahaha!" Sinamaan ko siya ng tingin. Nakakainis na siya ha! Etong kasama nilang isa walang kibo habang nakatingin saakin. Problema neto? Tska si Liam naman medyo natawa.

Pinagtawanan ba ako ni Liam?

Okay, okay. Crush ko si Liam since High School. Big deal ba? Nah. Tsk.

Ayun nagwalk out na ako. Wala rin namang silbi kung nandun ako eh. Psh. Yung kuya ko talaga na yun! Napahiya pa ako! Aish! Minsan nagtataka ako kung magkapatid ba talaga kami eh.

Dumeretso ako sa Library. Tahimik, mapayapa, at nakaka-relax. What do you expect? Maingay? Tss HAHA!

Habang nasa kalagitnaan ako ng binabasa kong libro ay nairita ako sa kung anong ingay sa harapan ko. Magsasalita na sana ako pero nung nakita ko siya natigilan ako.

Yung lalaking bumuhos ng Juice dun sa babae. Turns out na siya pala ang kilalang Xander Reyes ng University dahil sa mga chismosang palaka na nadadaanan ko kanina. Cliché, oo. Bad boy.

"Ikaw na ba yan?" Nagulat ako nung nagsalita pa siya na nakatingin sakin. Baliw ba 'to? Tumingin ako sa likod kung may kausap siya pero--- wala naman.

Dun niya lang narealize na nakatingin pala siya saakin at nagulat. "Hi panget na kapatid ni Andrew! What's your name po!" Lihim na napatawa yung Xander na yun. Wait--- what the hell?

"Pake mo ba!?" Sinara ko ang libro at lumipat sa kabilang table. Andami nang atraso ng lalaking yan saakin ha!?

Nang makaupo ako ay palihim ko siyang sinilip. Kita ko sa reaksyon niya na nagulat siya at malungkot. Anong drama yan? Tss mahilig din pala itong magdrama eh. Ibang klase, tsk.

Tumayo siya at dahan-dahan na umalis. Daming alam neto.

Pero bakit ako nakakaramdam ng guilt? Tss anong chapter na ba ako sa binabasa ko?

At dahil sa hindi ako maka-concentrate ng maigi ay lumabas muna ako. I need air!

Kinapkap ko ang bulsa ko para sana kunin ang panyo eh ang kaso, naalala ko na nandon pala sa babae yung panyo.

What a nice day.

"Miss Garcia?" Napatingin ako kay prof Lim.

"Po?"

"Can I give you a favor? Can you answer all yhis hand-outs? Absent kasi ngayon ang isa mong kaklase na responsable dito kaya ikaw nalang please? Thank you!" Ibinigay niya saakin ang makapal na mga Hand-Outs sabay alis.

Minsan nakakabobo din ang mga Teachers eh. Hindi pa nga ako pumapayag tapos binigay na saakin?

Wala na akong magagawa. Aish! Mabuti pa umuwi nalang ako. Wala naman na rin gagawin ngayong hapon eh.

*Phone rings*

Walang gana kong inalis ang cellphone ko sa bulsa at hindi na tinignan ang ID kung sinong tumawag.

"Oh?" Ako.

[Dito ka sa canteen mag lunch. Halika na. Now.] Si kuya Andrew pala 'to eh.

"But kuya---"

[No buts!]

"KUYA---"

[I said now.]

"ANO BA---"

[Anna.] Huhu seryoso na talaga siya. Busog pa naman kasi ako eh. Tska ang daming Hand-outs na binigay saakin oh!

"Please---"

[Now.]

*Call Ended"

"ARRRGGGHHH!!" Nagsisisi na talaga ako na sumigaw ako sa inis. Di ko man lang naisip yung mga tao sa paligid ko. Huhubells. Nakakahiyaaa!

"Mianhe. He-he-he." Pinilit ko talagang ngumiti kahit pulang-pula na ako at sasabog na sa galit.

Leche. Anong nangyayari sa araw ko ngayon?

________________________________

Ate Iya's Note:
Please walang mambabash kung masyadong cliche 'to or may mga scenes na nagaya sa ibang stories.

DISCLAIMER: This is A work of fiction. Names, Characters, Business, Place and Events are used in a Fictitous Manner. Any resemblance to actual people, living or dead, or actual events is purely coincidental.

PLAGIARISM IS A CRIME PUNISHED BY LAW.

Bata pa ako nung sinulat ko 'to. Haha! Wag na kayong magtaka kung SOBRAAAAAAAANG nakaka-cringe.

[COMPLETED] Lucky I'm Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon