18: Why Me?

2.5K 167 4
                                    


Anna's POV

"Psst."

"Anna."

"Oi."

"Gising na."

"ANNA RYLLIE GARCIA!!!"

Leche plan! Ang sakit sa tenga!

"Anu ba!?" Sigaw ko kay kuya.

"Punta ka sa school!" School? Eh Sunday ngayon ah? Tinignan ko si kuya ng masama. Haha! Akala niya ma praprank niya ako? Haha! In his dreams! >_<

"Sunday ngayon, kuya. Parang awa mo na, kung ayaw mong matulog, magpatulog ka." Tumalikod ako tapos pumikit ulit. Kahit nakatalikod ako alam ko na galit na si kuya.

Tse! Bahala siya dyan papahirapan ko siya. Hihi >_<

"Anna Garcia! Pinapatawag ka ni Ms. Andrea! Kakausapin ka niya oh!" Bat ba lagi akong tinatawag ni kuya sa full name ko? Aish!

"Oo na kuya Andrew Garcia! Sige na. Ligo na ako." Inirapan niya lang ako ng tingin tapos lumabas na siya ng kwarto ko.

Lecheng teacher naman yan! Linggo ngayon tapos magpapatawag? Tska bakit niya ako pinapatawag?

Pumunta ako sa banyo tapos naligo na ako at nagbihis. Pagkababa ko sa kusina natapos ng kumain si kuya. Si mama kumakain palang.

Nung nakasalubong ko si kuya papunta na ako sa table, binangga niya ako. Buti hindi ako natumba eh.

"Ano ba problema mo ha!?" Suway ko pero hindi niya ako pinansin. Tumakbo siya papunta sa taas na tumatawa. Buiset kung lalaki lang ako baka nabugbog ko na si kuya eh! >_<

"Kain na Anna." Sabi ni mama kaya tumabi na ako sakanya at kumain ng favorite ko na bacon and egg. >_<

"Kamusta gising anak?" Tanong ni mama. Napabuntong hininga nalang ako.

"Masama eh." Sagot ko naman.

"Huh? Bakit?" Tanong ulit ni mama.

"ginising ako ni kuya tapos yung teacher ko sa English subject ko, pinapatawag daw ako. Ewan ko kung bakit pero tinatawag lang naman ako nung teacher ko na yun pag may importante siyang favor."

Tumango si mama tska napabuntong hininga kaming dalawa.

Nung natapos na akong kumain, nagbeep yung phone ko.
________________________________

Facebook message

Xander Reyes:
Punta ka na dito sa school ASAP.
________________________________

Pati rin ba si Xander pinapatawag?

"Ma punta na ako. Bye!" Hinalikan ko si mama sa pisngi. May inabot siya saakin na lunch box.

"Sige ingat ka. Eto, baon mo. Wag kang magpagutom ah?" Kinuha ko yung box.

"Thanks ma." Ngumiti ako sakanya at ganun din siya.

Lumabas na ako ng bahay tapos sumakay na ako sa kotse ko. Pinaandar ko siya tapos nagdrive na ako papunta sa school.

Habang nagdridrive ako, na stuck ako sa traffic kaya nagpatugtog muna ako sa radyo.

[Now playing: Lucky by Jason Mraz and Colbie Caillat]

Ang ganda talaga ng song na 'to. Second favorite ko 'tong song na 'to eh.

Nung nasa chorus na bigla akong natigilan.

"Lucky i'm inlove with
My bestfriend. Lucky to---"

[COMPLETED] Lucky I'm Inlove With My Bestfriend Where stories live. Discover now