44: Inuman Session

2.2K 131 201
                                    

Anna's POV

"Anna."

"Anak gising na.."

"Bahala ka sige paghintayin mo lang si Liam sa baba." Ano ba yan! Si Liam lang naman pala eh... LIAM!?

Teka, anong oras na ba? 6am? Okay pa pero nakakahiya kung paghihintayin ko pa si Liam. Tsk baka naman nagbibiro nanaman si mama eh.

Naligo na ako at nagbihis na rin. Seryoso nga, bakit andito si Liam?

Pagkababa ko palang ng kwarto ko nakita ko agad si kuya na kumakain.

"Hoy panget bakit ka nagmamadali?" Kumuha nalang ako ng tuna sandwich at linagay sa bag ko.

"Wala wala! Bye!" Dumiretso nalang ako sa sala.

Pagkapunta ko ng sala nakita ko na si Liam nakaupo. Ang gwapo niya talaga kahit side view, parang si Xander lang..

"Good morning Princess.." Ehhh!! Wag ganyan!! >_<

"G-good morning din.. Liam.. Eherher.." Pag talaga ako lumandi, pati dila ko ngumingiwi.

"So ano tara na?" Hinawakan niya yung kamay ko, namumula tuloy ako.

"Saan?"

"Simula ngayon, sabay na tayong pupunta ng ng school." Omo!

"Seryoso?"

"That's how much I like you."

"Ahmm.." Ehh! Seryoso ba siya? Feeling ko namumula ako. Pero sabi ni kuya sakanya nalang daw ako sasabay papuntang school eh.

"Ahmm tara na?"

"Ah okay okay. Mag papaalam lang muna ako kay mama."

Pagkatalikod ko nakita ko si mama na nagtatago dun sa pader. "Ma? Nakikinig ba kayo?"

"Hindi! Napadaan lang ako. Hahaha! Sige umalis na kayo! Ingat!" Hindi daw nakikinig pero alam naman na aalis kami. Hayss mama talaga pasaway.

"Okay! Bye ma!"

Pagka alis namin pinagbuksan ako ng sasakyan ni Liam. Bago nanaman 'tong sasakyan niya, anak mayaman.

"Palagi na kitang susunduin ah?" Kumindat kindat pa siya.

"Bakit mo naman ako naisipang sunduin, ha?" Pinaandar na niya yung sasakyan.

"We're dating right?" Napalunok ako. Eh? Ansabe ng dating niya?

"Seryoso? Hala---"

"We're just dating. Wala naman masama dun diba?" Tapos kumindat nanaman siya. Mahilig ba talaga siyang kumindat? >_<

Pagdating namin ng school sinamahan pa din ako ni Liam. Seryoso ba talag siya? OMG! Ano naman kayang nakain niya at naisipan niya akong sunduin lagi? O baka naman wala siyang nakain. Kaso nga lang talaga hindi pa ako pwedeng mag boyfriend. Sigurado magwawala yun si kuya Andrew pag dating ang peg namin ni Liam, Gangster pa naman yun.

Habang naglalakad kami sa hallway biglang hinawakan ni Liam yung kamay ko. O my Shiteu.

"Hahawakan ko rin lagi ang kamay mo para walang makakaagaw sayo." Wala naman aagaw sakin eh. Wala naman diba?

"Bahala ka magaspang yan." Natawa tuloy ako.

Bawat paghakbang namin tinitignan kami ng nga studyante, kadalasan yung mga babae na fangirls ata ni Liam. Yung iba nag bubulungan, yung iba nagulat, yung iba naman ang sama ng tingin sakin. Dukutin ko mata nila eh.

"Haha ang cute mo talaga. Tara ihatid na kita sa room niyo?" Hinila niya ako papuntang section one. Bahala nga siya, hindi pa rin niya ako binibitawan eh. Sabi ko nga magaspang yan. >_<

[COMPLETED] Lucky I'm Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon