11: Selina

3.1K 192 3
                                    


Anna's POV

*Kring*Kring*

"Yah! Tanginang alarm clock yan!" Kinuha ko yung alarm clock ko sabay bato sa pader.

"Whoa! Easy lang, lil' sis!" Nakita ko si kuya na nakasandal sa pintuan ng kwarto ko. Kanina pa ba siya andyan? Lagot. Baka narinig niyang nagmura ako.

"Nakakabuiset eh! Nakakasira ng umaga! Tska anong oras palang? 4:30. 4:30 palang, kuya!" Biglang kumunot yung noo ni kuya Andrew sa sinabi ko. Tinaasan ko siya ng kilay at hinihintay ko na sumagot.

"4:30? Sigurado ka? 4:30 pala ha?" Agad na lumapit si kuya sa may bintana at inangat niya yung kurtina at nasilaw ako. Tska bakit ang liwanag? 4:30, ang alam ko dapat madilim pa.

"Hoy Anna Garcia! 6:00 na tanga!"

Nanlaki yung mga mata ko sa gulat. Isa pa 'to, eh. Maka-tanga pa. Eh siya naman yung tanga at hindi pa ako ginising. Tanga!

Wala nang pakipot-kipot pa. Agad akong umalis sa kama ko tapos dumeretso na ako sa banyo.

Pagkasara ko ng banyo ko, narinig ko si kuya na may sinigaw. Ewan ko ba kung ano yung sinabi niya pero yung narinig ko ay,

"Tulog mantika amputa!"

Bruh.

Agad na akong naligo. Habang nagsasabon ako ng katawan ko, hindi ko naiwasan na mapaisip.

Kinakabahan talaga ako mamaya.

Nagtwalya na ako ng katawan ko at lumabas na ng banyo.

Nakabihis na ako ng uniform ko.

Natapos ko nang I-blower yung buhok ko. Naglipstick na ako, nagpowder, and yung laging pinapaalala ni
Xandara, contact lens.

Medyo hindi ko pa alam maglagay ng contacts kasi mahapdi. Ang sakit nga sa mata pag linalagay eh.

Aalis na sana ako sa kwarto ko pero may natapakan akong stufftoy.

Yung Pokemon girl version na binigay saakin nung lalaki sa America.

Pinunasan ko siya at linagay dun sa mga lalagyan ng mga stufftoys ko. Karamihan dito ay mga pikachu at pokeballs.

Bumaba na ako ng hagdanan at nakita ko si mama at kuya Andrew na kumakain.

Kumuha ako ng tuna sandwich at tumabi kay mama.

"Kamusta, baby girl?" Bungad agad saakin ni mama.

Magsasalita palang sana ako kaso biglang umepal si kuya Andrew.

"Baby girl ba yan? Baby damulag na nga yan eh!"

Amp.

"Hoy kuya Andrew! Ang sweet mo lang saakin kagabi tapos ngayon, ang sungit mo!" Sigaw ko kay kuya.

"Ah basta! Ang ganda mo anak. Mana ka saakin. Ahaha!" Tuwang tuwa si mama. Para tuloy siyang bata sa inasal niya.

"Mas maganda ka naman ma!" Asar ko kay mama. Pero seryoso, ang ganda ni mama. Siya nga ang first na
Ms. Campus ng school nila noon.

"Oh sige. Tutal, tapos na kayong kumain, pasok na kayo sa school baka ma-late pa kayo." Utos ni mama.

Sabay na kami na tumayo ni kuya. At sabay na rin kaming nakalabas ng bahay.

Pumasok kami ni kuya sa kotse niya. Pinaandar niya yung kotse pero hindi pa kami nakakaalis.

"Oi. Ano ba?" Inis na tanong ko kay kuya. "Late na tayo oh!"

[COMPLETED] Lucky I'm Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon