7 (2) MBSW

348K 3.4K 54
                                    

PAGKAGISING NIYA kinaumagahan, binilisan niya ang paglilinis ng bahay at nagluto rin siya ng pagkain para kay Zandro. Tinext kasi siya ni Ryder na hindi pa pwede lumabas ng ospital ang bugnutin nitong kaibigan dahil kailangan pa nito ang sapat na pahinga.

Wala pa naman ito naiisip kung anong request ang ipapagawa nito sa kanya ay uunahan na na lang niya ito. Ayaw rin naman niya nangiiwan ng taong napahamak dahil sa kanya kaya nagluto siya ng arozcaldo. Ito lang ang makakaya niyang lutuin ngayon kesa gagastos siya para bumoli ng pagkain sa labas. Hindi man sosyal ang pagkain inihanda niya para sa isang billionario, at least may maibigy siya rito bilang pasasalamat.

Kadarating lang niya ng ospital. Hindi pa man siya nakakapasok sa kwarto ni Zandro, ay dinig na niya ang ingay sa loob. Baka naroon pa si Ryder kasama nito.

Palihim niyang binuksan ang pinto at sinilip ang dalawa. Ayaw niyang matawa ng malakas dahil sa nakita niya ngayon kasi sinusubukan ni Ryder na subuan si Zandro ng isang slice ng pinya.

Ang nanay (Ryder) sinusubuan ang kanyang pasaway na anak (Zandro).

"Say 'aaahhhh'...." inilapit ni Ryder sa bibig nito ang pinya.

"The airplane's gonna crash in your mouth---"

"What the fvck Ry! Don't treat me like a kid!" Galit na ang bata (Zandro).

"Opss! Dont say bad words, baby boy. Magagalit si mommy." Pahabol pang biro ni Ryder.

"Ilayo mo iyan sabi!" Sumigaw na ito dahil sa inis.

Kesa lumala ang inis nito ay kumatok siya sa pinto para mapansin siya.

"Bonjour Bella! Ang aga mo dumating ngayon." Bati ni Ryder sa kanya.

Pumasok na siya sa loob at inihanda niya ang dalang mga pagkain. "Oo, Ryder. Ayoko kasi mabigatan ang loob ko dahil sa konsensya. Nga pala, nagluto ako ng agahan."

"Wow! That's great! Mabuti naman. Actually I don't want to leave so early, pero may aasikasuhin pa kasi ako importante eh."

"Yeah. So leave. Now." Sabi ni Zandro.

"Tsk tsk.. Bell, pakikurot nga itong baby boy ko sa may singit. Ang aga-aga nagmamaktok na." Iling na sabi nito.

"Shut up!" sigaw ni Zandro sa kaibigan.

Natawa siya sa dawala. Wala pa rin pinagbago ang pakikitungo ng sa isa't isa.

"Ako na bahala sa anak mo, Ry. It's my job because he saved my life."

Bago ito lumabas my sinabi muna si Ryder. "Bro, huwag mo pahirapan si Bella ah? You know what I mean. Ciao!"

Zandro didn't say anything kaya pinagpatuloy niya ang paghahanda sa pagkain nito. Inilapag niya sa tabi nito ang pagkain . "Mag-agahan ka na."

"I'm not hungry." Sabi nito.

"Now you're also lying. Alam ko na gutom ka. Sinabi ni Ryder sa akin na hindi ka pa nakakain simula kahapon."

Kumunot ang noo nito at nilingon siya. "So, close na pala talaga kayo ng lalaking iyon?"

"Whatever. Tulungan na kita bumangon para makakain ka na." Pumwesto siya sa tabi nito para alalayan na makabangon sa kama.

"I said, I don't---"

"Ano ba? Magbabangayan na naman ba tayo o ano?" Hindi na siya makatiis. Badmood na rin siya dahil sa asal nito. Madali lang naman siyang kausap, pero sa ngayon kailan nitong kumain.

Hindi na nakapalag si Zandro. He raised his hands. "Fine, fine, you win."

Tinulungan niya nito bumangon at iniharap niya ang pagkain ky Zandro. Hindi na ito nagsalita pa at nagpatuloy na itong kumain. Mabuti hindi ito nagreklamo o nagtanong bakit ito ang niluto niya. He never complained. Kumain ito kahit anong luto niya noon nagsasama pa silang dalawa.

Hinayaan lang niya ito. Nagpaalam muna siya na lalabas dahil may tatawagan siya.

She dial the phone number of Marie. May plano kasi silang tatlo kasama si Rica na samahan siya sa lugar ng hinuhulugan niyang pwesto para sa restaurant niya.

Pagkatapos nilang mag-usap, bumalik na siya sa loob. Pagkasara niya ng pinto bumungad sa kanya ang isang babae. Nakayap ito kay Zandro.

Si Scarlet.

"Babe! You didn't inform me about this? Anong nangyari?" Still flirty as ever.

"Don't touch me, Scarlet. And why are you here anyway?" Tanong nito sa girlfriend.

"Of course! I'm so worried about you! Naghintay ako sa suites mo pero wala ka. And you didn't answer my calls."

Napansin siya ni Scarlet at lumapit ito sa kanya. "You again?! What are you doing here?! Why are you here with Zandro?" Kung magtaray naman ito wagas.

"Tinulungan ko lang si Zandro--"

"Is it your fault right? That my Babe is wounded! Dapat kasi sinibak kana sa trabaho. Puro na lang kamalasan kapag nandito ka eh!"

Ouch. Ang sakit ng mga salitang iyon. "Malas". Tinawag siya nito na Malas.

"Is this your another woman you've been laid on?!" Tanong nito sa lalaki.

"Scarlet, get out." Mahinahong sabi ni Zandro rito.

Scarlet's face turns red. "What? What did you say? Ako pa ang paalisin mo? I'm your girlfriend, Zandro!" Now Scarlet is really angry.

Zandro smirk. "Oh really? Did I propose to you to be my 'girlfriend'?"

Sa sobrang gulat nito sa mga sinabi ni Zandro, nagsimula na lumuha ang mga nito. "I hate you, Zandro! I hate you!"

Bumaling ito sa kanya. "It's your fault, bi**tch! And we're not done yet!" Kinuha nito ang bag at umalis na.

Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya. Pati si Zandro ay nakaupo lang na parang walang nangyari.

"I never thought you like that kind of woman---."

"Shut up. Baka nakakalimutan mo kung bakit ako nandito."

"Anong koneksyon sa nangyari sa iyo at sa girlfriend mo?" Nagulat siya sa sinabi nito.

"You're so noisy." Reklamo nito.

"Ano?!" Hindi siya makapaniwala sa ugali nito.

"Come to my office on Monday. Doon ko sasabihin anong gagawin mo."

Huh? Anong gagawin niya sa office nito bukas?

"You said you'll do anything para makabawi sa akin. Remember?" Inis na sabi nito.

"Si-siyempre naalala ko." Malapit na niya makalimutan. Focus kasi siya sa pagluluto kya akala niya yun na ang gratitude niya para makabawi.

"Thank you for the food. Makakaalis ka na. Take a rest."

"Pero papaano ka rito?"

Zandro gave her a flirty smile. "Bakit concern ka sa akin?"

"Hindi, ah! Si-sige, aalis na ako!"

ATTENTION!!

FULL STORY COVERAGE FROM CHAPTERS 1 - 57 AND THE NEW VERSION CAN BE READ ON DREAME APP.

KINDLY GO TO MY PROFILE AND CLICK THE LINK OF MBSW FOR THE FULLY COMPLETED CHAPTERS.

Mister Billionaire's Secret Wife ( Dreame/Yugto APP Teaser Only)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon