5 MBSW

281K 4.3K 155
                                    

"THANK YOU so much Baby Bell at pumayag ka na samahan ako dito sa---"

"I know Ry. And you're welcome."

Nandito sila ngayon sa isang auction event at kailangan "raw" ni Ryder ng makakasama kaya sa walang tigil na pagpupumilit rito sa kanya ay wala na siyang mapipilian pa. Ibang klase din ito dahil ito pa mismo ang kumausap sa head manager para maka-day off siya ngayong araw. Co-owner din kasi si Ryder ng hotel. Hindi lang halata.

"Akala mo hindi ko mahahalata ano?" Naninikit ang kanyang mga mata habang nakatitig kay Ryder.

"What?" Patay malisya nito.

"Kaya mo lang ako kinukulit na samahan kita rito, para walang babae na lalapit sa iyo. Hindi ba, mister playboy?"

Napatawa ito sa sinabi niya. "Ano ka ba naman, of course not! Bella, 6 years na tayong walang communication kaya naman, gusto ko na magbonding tayong dalawa. Isn't it nice na mamamasyal tayong dalawa, Baby Bell?" sabi nito with matching sparkling eyes pa.

Sira ulo talaga."Ewan ko sa iyo."

Inisa-isa nilang nilibot ang bawat sulok kung saan nakapwesto ang mga bagay na i-au-auction. Mostly jewelries, cars and paintings ang nandito. Hindi rin siya nabo-bored dahil tawa sila ng tawa ni Ryder. Palabiro kasi ito at natatawa siya sa mga pakulo nitong mga jokes.

"Tama na nga, Ry. Baka isipin nila na mga baliw tayo at pinagtatawanan natin ang mga obra dito."

"Nah! Let them, baby Bell, baka sila pa ang puntiryahin ko eh! Let's go. Doon naman tayo sa mga alas."

Hindi niya mawari kung ilang "wow" na ang kanyang sinambit sa bawat alahas na nakikita niya na naka-display. Rare gems--- all of it ay nandito. Hindi siya maluho sa alahas o sa kahit ano man bagay. Napapahanga lang siya dahil sa angking kinang at ganda ng mga ito.

"Halos lahat ng naka display dito ay gawa ng ama ko."

"Wow! Talaga? Grabe! Ang galling naman ng papa mo."

"Oo naman! Walang makakapantay kay tatang!" Proud na sabi nito.

"Eh ikaw? Hindi ba't ikaw na ang namamahala sa kompanya ng papa mo? Saan ba ang gawa mo rito?" Hinahanap niya kung naka-display din ba ang gawa ni Ryder.

"Ah... wala eh. Hindi pa ako msyadong marunong." Napakamot ito sa ulo.

"Ay."

"'Ay" ka diyan. Ang hirap kaya gumawa ng ganyan. Plus, ilang beses na ako binatukan ng matandang iyon dahil ang pangit ko daw gumawa."

"Galingan mo kase. Baka sinabihan ka rin ng papa mo na magaling ka lang pagdating sa mga babae."

"Exactly! Hey, you sounded like my father. Nakakatakot ka ah." Niyakap nito ang sarili na para talagang natatakot.

"Bagay lang iyan sa iyo." Binaling ulit niya ang kanyang tingin sa mga alahas. May kinakausap ngayon si Ryder sa telepono nito.

"Babe, look! This necklace is so pretty!"

Napaangat siya ng tingin sa kabilang parte na naka-display ng mga alahas. Pamilyar kasi ang narinig niyang boses. Hindi nga siya nagkamali dahil ito iyong babae model na kasama ni Zandro noon hinatidan niya nito ng almusal.

At nandito rin si Zandro. Hawak ng babae ang braso nito habang nakatingin sa mga alahas.
Hindi. HIndi ito tumitingin sa mga alahas kundi sa kanya. Parang galit ito na hindi niya mawari kung bakit. Galit ba ito dahil wala siya sa trabaho o galit ito dahil kasama niya ngayon si Ryder?

Mister Billionaire's Secret Wife ( Dreame/Yugto APP Teaser Only)Where stories live. Discover now