1 MBSW

663K 7.8K 280
                                    

**PLEASE READ AUTHOR'S NOTE BAGO MO BASAHIN ITO.**


MAINIT, MAUSOK, nakakapagod. Heto palagi ang kanyang trabaho. Almost 6 years na siya bilang isang professional chef at ganito parati ang nararamdaman niya sa tuwing umuuwi siya ng bahay. Bilang isang chef, hindi pwede sa kanya ang hindi focus at maging mahinhin sa trabaho. This is her job. Her dream job.

"Two orders of Salmon Quenelles and Mussel Gratin! Also 3 orders of Lobster with black bean salsa!"

Hindi magkandaugaga ang mga kasamahan niyang mga chefs dito sa kitchen dito sa tinatrabauhan niyang hotel, ang Lé Alessandré Luxury Hotel. Peak season na kasi ngayong buwan and it's Valentines day. Kaya lahat ng couples at business-related pleasures ay nandito para sa kani-kanilang salo-salo.

"Hurry up! We don't want to waste our time! Cook faster!" Tawag ulit sa kanila ng head chef.

"Hey, Bella!" Tawag ni Leandon sa kanya. Isa rin itong chef at kasamahan niya sa trabaho. Isa rin ito sa malapit ng kaibigan. "Halika muna saglit at tikman mo muna ang sauce na ginawa ko. Hindi ko kasi matancha kung tama ba ang timpla nito."

Pumunta siya sa pwesto ni Leandon at kumuha ng teaspoon at tinikman ang ginawa nitong sauce.

"Hmm... It's good Leandon. Teka, bakit nagtatanong ka pa eh ginagawa mo naman ito gabi-gabi?" tanong niya rito sa kaibigan.

"Naku Bella. Alam mo naman kapag ganitong peak season, naaapektuhan ang trabaho ko. Ang daming orders ngayon. Siguro pati ang panlasa ko nawawala na." Nagalalang sagot nito.

Natatwa siya. "Naku naman Leandon. Huwag mong sabihin na naaapektuhan ka dahil Valentines Day ngayon?"

Mas natatawa pa siya lalo dahil napanganga ito sa sobrang gulat at umiling ng todo. "Hindi ah! Ba-bakit naman ako maapektuhan? Wala naman akong---alam mo na...lovelife?"&

Sa sobrang umiling ito ay siya na ang umayos sa suot nitong salamin na nahuhulog na. "Don-don, wala akong sinabi. Nagtatanong lang ako. Oh siya, babalik na ako sa pwesto ko baka magaalburoto na naman ang head chef sa natin."

"Sige Bella! Salamat sa tulong!" Kumaway ito sa kanya at bumalik na siya sa kanyang pwesto para magpatuloy sa pagluluto.

Her life right now is very busy. Isa siyang chef sa pinagtatrabauhan niyang hotel na kilala sa buong bansa at sa mundo. Kaya hindi na siya nagtatataka na hanggang hating gabi matatapos ang kanyang trabaho dahil sa mga pagkaing inihahanda nila at walang katapusan customers na nagdadatingan.

Kahit nakakapagod ang trabaho niya hindi na niya iniinda ang sakit ng kamay, braso o kahit anong parte ng kanyang katawan pagkauwi niya sa inuupahan niyang apartment. Nakasanayan na niya at dedicated siya sa kanyang trabaho.

She loves cooking ever since shes was a child. Noong magkasama pa silang nagluluto ng pagkain ng namayapa niyang ina. Housewife kasi ito at ang papa niya naman ay nagtatrabaho bilang isang finance manager sa isang bangko.

Marami siyang natututunan sa kanyang ina. Kurso kasi nito dati ay culinary arts pero hindi na nito tinapos dahil nabuntis ito ng kanyang ama at siya ang naging bunga. Kahit ganon ang nangyari walang pinagsisisihan ang kanyang ina dahil mahal na mahal nito ang kanyang papa at sinakripisyo nito ang pangarap para maalagaan siya ng husto.

Mister Billionaire's Secret Wife ( Dreame/Yugto APP Teaser Only)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang