8 MBSW

287K 4K 93
                                    

UNEDITED ***

NAGING MAAGA sila para sa morning inspection at meron din isasagawang event mamayang gabi para sa isang charity event kaya inihanda na nila kung ano ang main dishes at desserts na lulutuin.

Nasa diner hall silang lahat nagtipon-tipon at nandoon pati si Zandro. Pagpasok nito, kita sa mga mukha ng mga tao nandoon ang pagtataka kung bakit naka arm sling ang kanang braso nito.

"Si Mr. Masungit naka arm sling? Anyare?" Tanong ni Marie.

"Nadisgrasya yata. Kawawa naman si Sir. Fafanes." Malungkot sabi ni Rica.

Naguusap ang dalawa at siya naman ay walang kibo. Papaano naman niya sasabihin sa mga kaibigan niya na siya ang may kagagawan kung bakit ganyan ang kalagayan ng boss nila?

Pupuntahan sana niya ulit ito ospital para bisitahin. Tinawagan niya si Ryder pero ang sabi nito na-discharge na pala ito kagabi. Sasabihin din sana ni Ryder kung saan ito nakatira, pero pinigilan niya ito.

Pagkatapos ng inspection at briefing, nagsimula na sila magtrabaho. Marami-rami din ang mga guests na kumakain kaya natapos sila ng ala una ng hapon.

Nasa locker room na silang apat at naghahanda lang para pumunta sa canteen para mananghalian.

"Bella, mauna na kami sa canteen. Ako na lang ang bibili ng tubig para sa iyo." Paalam ni Marie sa kanya.

"Salamat Marie." Busy pa kasi siya sa pagaayos ng kanyang mga gamit. Ini-arrange pa niya ang mga papeles para sa tatayuan niyang restaurant.

Tapos na niyang inasikaso ang mga papeles ay tinignan niya ang kanyang cellphone. Pagbukas niya rito ay napabilog ang kanyang mga mata sa kanyang nakita.

20 missed calls. 29 messages. Ang dami! Tinignan niya ang mga messages.

It's Zandro. Answer my call.

Si Zandro! How did he know her phone number?

Bella siya ang boss ng pinagtatrabauhan mo malamang alam niya diba? Sermon niya sa kanyang sarili.

Where are you? Why aren't you in my office yet?

Another one. Didn't you forget what you promise? Answer my goddamn call. Right now!

"Ano na naman ba ang inaalburoto ng taong 'to?" Malamang hindi niya ito masagot. Nasa kalagitnaan siya ng trabaho.

Ilalagay niya sana ang kanya phone sa kanyang bag pero nag-ring ulit ito. "If you don't want to come into my office within 10 minutes, prepare to be fired. OMG! Nasisiraan na ba to?!"

10 minutes? Inoorasan ba siya nito?

Agad-agad siyang lumabas sa locker room para puntahan ang office nito. Patakbo siya papunta sa elevator. Mabuti naman at bukas na ito kaya agad-agad siyang sumakay.

Pagkarating niya, hindi niya alam saan una pumunta. Kahit saan man siya lumingon, wala siyang nakikitang receptionist man lang.

Tinignan niya kanyang relo. Apat na minuto na lang ang natitira. Baka seseryosohin talaga ni Zandro ang banta nito. Sa kakalakad niya ay may namataan siyang janitor na naglilinis. Mabuti na lang at may mapagtatanungan siya.

"Ate! Matanong lang ho. Saan po ba ang opisina ni Mr. Santoro?" Tanong niya.

"Dumiretso ka pa hija, at lumiko ka sa kaliwa."

Binilisan niya ang pagtakbo. Wala na siyang segundo natitira. Mabuti naman at hindi siya naligaw at nakita na rin niya sa wakas ang opisina nito. Wala na sa kanyang isip at binuksan na niya agad ang pinto.

Mister Billionaire's Secret Wife ( Dreame/Yugto APP Teaser Only)Where stories live. Discover now