19 MBSW

186K 2.4K 45
                                    

UNEDITED****

Nagpasama siya kina Marie at Rica para puntahan ang bibilhin niyang pwesto para pagtayuan ng pinapangarap niyang restaurant.

Matagal na niyang hindi binibisita ang lugar at hindi pa nakikita nila Marie at Rica kaya excited ang mga ito na samahan siya.

Pumasok sila sa loob. Kitang kita kung gaano kalawak ang lugar. Maaliwalas din at tamang-tama ang pwesto para kita sa mga tao dumaraan.

"Wow Bell ang ganda ng pwesto nakuha mo!" Manghang sabi ni Marie sa kanya.

"Korek! Bongga nga! Sure ako sa unang araw ng opening ng dream restaurant mo sandamakmak na ang gusto pumunta rito!" Sabi naman ni Rica.

"Salamat naman at nagustuhan ninyo. Matagal ko na itong hinuhulugan dahil may kamahalan ang pagbili rito." -Bella

"Oo nga pero worth it naman! Ang galing mo Bell!" sabi ni Marie sa kanya.

"Thank you. At pagtapos na bayaran ito sisimulan ko na bigyang buhay itong lugar." -Bella

"Naman! Besh mag-aapply kami sayo ah." -Rica

Natawa siya rito. "Oo naman! Agad-agad tanggap na kayo."

Ilang sandali ay dumating ang property broker.

"Ms. Antonio, mabuti napapunta ka rito." -P.B.

"Magandang umaga po ma'am. Binisita ko lang po itong lugar. Matagal ko na kasi hindi ito nakikita." -Bella

"That's good. Ms. Antonio may sasabihin sana ako. And it's bad news." -P.B.

Naalarma si Bella sa sinabi nito. "Po? May problema po ba? Tungkol po ba sa bayad?"

"Alam naman natin na apat na taon mo ng binabayan ang property na ito at hindi ka dume-delay ng bayad. Pero ang bangko mismo ang nagsabi na pag hindi mo pa nababayaran ang halos kabuoan ng bayad ay ibebenta ito sa ibang buyer na gusto itong property." -P.B.

Hindi maari iyan. May gusto rin palang bilhin itong binabayaran niyang pewsto.

Patuloy nito. "That buyer is serious Ms.. Kapag sa susunod na tatlong buwan kapag hindi mo mababayaran ang kabuoan mismo ang banko na ang magbibigay sa buyer nitong lugar." -P.B

Nagalala siya. Papano yan? At tatlong buwan na ang palugit. Malaking problema ito para sa kanya.

"Si-sige po gagawa po ako ng paraan." -Bella

Umalis na sila sa lugar. Puno ang isip ni Bella dahil sa problema niya ngayon. Kapag hindi pa siya nagbayad ay reremitahin na ng banko ang lugar at ibebenta sa iba.

"Wag ka ng malungkot Bell. Kaya mo naman iyan bayaran hindi ba?" -Marie

"Sana nga. Hindi ko rin inasahan na may gusto pala bumili nitong lugar. At one payment lang. Siguro ang yaman ng buyer iyon." Malungkot na sabi niya.

"Don't give up girl. Diba kaka-promote mo lang bilang personal chef ni Mr. Sunget . Tataas ang sweldo mo." -Rica

"O di naman kaya...."

Binilungan siya ni Marie. "Akitin mo si Mr. Sunget."

"Ayyss! Ano ba yang iniisip niyo! Aakitin ko yun?!" Nagulat siya sa mga pinagsasabi ng mga ito.

Lahit kailan hindi siya humingi ng tulong kay Zandro lalong lalo na sa pera.

"Ano ka ba! Practical girl please lang. Tignan mo nga, palagi kayong magkasama sa office ni Sir, pinagluluto mo siya siyempre diba makikita mo siyang kumakain at ang the best rito... Single ka at..." - Marie

Mister Billionaire's Secret Wife ( Dreame/Yugto APP Teaser Only)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora