9 MBSW

276K 3.7K 95
                                    

UNEDITED**

"Naubusan na ako ng repolyo. Don-don, pupunta lang ako sa stock room." Sabi ni niya sa kasamahan niya na si Leandon.

"Pa-utos ka na lang sa iba, Bella. Malayo ang stock room dito."

"Ayos lang ako na. Pakibantay ng pwesto ko saglit ah?" Request niya kay Leandon at umalis na.

Malayo talaga ang stock room pero mas gusto niya siya na lang ang kukuha. Hindi naman siya pagod.

Nasa tapat na siya ng pinto ng may naririnig siyang boses sa loob. Bubuksan sana niya ang pinto pero naka-lock ito. Bakit kaya? Kaya naghintay muna siya sa gilid ng pinto.

Laking gulat niya kung sino ang lumabas. Si Ryder. Nagulat din ito ng makita siya.

"Ra-Ry?! A-anong ginagawa mo sa loob?"

Nakakunot na ang noo at hinawi ang buhok nito. Then he suddenly change his mood into charming one. "Oh! Bella! Sorry, I'm kinda... little lost actually kaya napadpad ako dito. Um... sige aalis na ako. Be good okay? Bye!" And he flew away.

What's gotten into him. Ngayon lang niya nakita itong nawala sa composure. Baka nga naligaw lang ito. Pero bakit parang may kausap ito sa loob.

Pumasok na siya sa loob at hinanap ang vegetable corner. Nag lumiko siya nagulat siya kung sino kasama niya.

"Chelsea?!"

Lumingon ito sa kanya in a poker face.

"Hi Bell. May ikukuha ka dito?" Tanong nito.

"Ahh... o-oo! Oo meron."

Napaaman siya saglit. "Umm... che?"

"Hmm?" Sagot nito habang kumukuha ng papatas.

"May pumasok dito na lalaki hindi ba?"

"Hmm."

Hndi naman siya tsismosa. Nagtataka lang siya. Babaero kasi si Ryder. Baka lang....

"Nag-naguusap ba kayo?"

Tumayo ito bigla at lumingon ito sa kanya. "Hindi. Mauna na ako." Tipid na sagot nito at umalis na.

Minsan nawe-weirduhan siya sa kaibigan niya. Chelsea is a silent one. Mabait at seryoso ito minsan pero kapag nagbibiruhan silang apat ay sumasali naman ito. Mas babad din ito sa cellphone.

Pero minsan nagugulat na lang sila dahil bigla na lang ito mawawala at dahil sa kasanayan nilang magkaibigan, pinabayaan na lang nila ito.

Tapos na siya kumuha ng mga gulay na kailangan niya at bumalik ulit sa kanyang pwesto. Maya't maya ay lumapit ang kitchen supervisor sa kanya.

"Chef Antonio. Bakit nandito ka pa? Hindi ka ba na-inform?" Tanong nito sa kanya.

Anong ibig sabihin sa sinabi nito? Mukhang alam na nito ang reaksyon niya kaya pinapunta siya nito sa office.

"Okay Chef Antonio. Mukhang hindi mo pa alam na ita-tranfer ka sa---"

"Teka lang po ma'am." Putol niyang sabi nito. "Ta-transfer? Ma'am, may mali po ba akong ginawa? I do my job professionaly at mabusisi naman po ako sa mga ginagawa ko. Da-dahil po ba sa nangyari ng may nag-reklamo?"

"Calm down, Chef Antonio. Hindi naman ng dahil sa mga nangyari na involve ka, hindi ibig sabihin na ita-transfer ka sa iba." Paliwanag nito sa kanya.

"Kung hindi sa nangyari ma'am, bakit po ako ipa-patransfer? Saan po ba?" Naglilito na siya. Hindi naman daw dahil sa nangyari eskandalo pero ano?

Mister Billionaire's Secret Wife ( Dreame/Yugto APP Teaser Only)Where stories live. Discover now