27 MBSW

129K 1.6K 23
                                    

***UNEDITED*****

"Two orders of Split Pea & Gamon Soup, Spiced Autumn & Bouillabaise!" Sigaw ng Head Chef.

Binalingan sila mga nagtra-training. "Stop slacking! Hurry up!"

"Yes, Chef!" Sagot nila.

Nasa kalagitnaan ng kanyang training si Bella. Ika-apat na araw na siya narito at hindi niya inaasahan na ganito kahirap ang trabaho ng isang chef o kahit assistant chef man. Dahil sunod-sunod ang mga orders ng customers, hindi rin sila titigil sa pagluluto.

Kahit busy at walang tigil ang trabaho, hindi na siya nahihirapan na tandaan ang mga kakailanganin niyang ihanda na mga pagkain. Sa gabi bago matulog, nagre-research siya at nag-aaral paano magtatrabaho sa isang hotel kitchen. Pano maging attentive at techniques para maging mabilis magpa-prepare ng mga pagkain.

Hindi na rin siya pumalpak at dahil doon, hindi a siya masyado pinapagalitan at mas focus na siya sa pagluluto.

Lumapit ang isang chef sa kanya. "Miss, prepare Salsa Verde right away."

"Yes, Chef." Patakbo siya sa kabila at inihanda ang mga kakailanganin at nagsimula na siya i-blend nito.

Nakatitig siya sa inihahanda niya. Kahit kulay green ang inihahanda niyang salse verde naaalala niya ang mga nangyari noong naligaw siya at nalublob sa putikan ng mga baboy. Pati rin yung lalaki hinahabol siya ng karit at tinawanan siya ng sobra.

Nakaramdam na siya ng pagkainis. Ang walang hiyang lalaking iyon ang may kasalanan! At ang nakakagulat, magkakilala pala sila ni Tito Felix! At nagkakaintindi pala ito ng tagalog!

So yung mga sinabi niya e naiintindahan pala nito! Parang nakaramdam siya ng konting hiya----

Hindi! Bakit naman ako mahihiya e may karapatan ako magalit! Kita mo nga, dahil sa lalaking yun, yun ang pinaka nakakahiyang pangyayari naranasan ko sa buong buhay ko! Hinahabol lang pala ako sa wala! Kapag nakita---!

"Is it finish, Miss?!" Naputol siya sa pagiisip ng tinawag sa siya ng chef.

Patay nawala na sa isip niya!

"Co-Coming up Chef!" Ini-off niya agad ang blender at binilisan niya tinapos ang utos nito.
.
.
➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖
.
.
"Your next task will be outside the kitchen. You'll have to assist in the buffet section of the grand dining hall. These are the names please gather yourselves quickly: Sunshine Delos Santos, Roger Valdez, Elizabeth Peralta, and Bella Antonio." - Guide Mentor

"Yes bee! Magkakasama na tayo sa walas!" Masayang sabi ni Elizabeth kay Bella.

"For those names I call go outside immediately." -G.M

Nasa designated place na silang dalawa ni Elizabeth at agad-agad nagsimula na sila sa pagtatrabaho.

Hindi sila magkandaugaga sa pagse-serve ng mga pagkain sa mga guests dahil mas marami ang kumukuha ng pagkain sa buffet section.

Minsan nahihirapan si Bella na makipag-communicate sa mga guests especially the french people dahil tinatanong siya ng pang-french. Pero mabuti na lang at inalalayan siyang Elizabeth dahil marunong ito ng french language kahit papano.

Iniisa-isa niya pagseserve ng mga pagkain gusto sa bawat guests. Sa kaka-serve niya may narinig siyang bumati sa kanya.

"Hello, Bella."

Mister Billionaire's Secret Wife ( Dreame/Yugto APP Teaser Only)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon