26 MBSW

137K 1.7K 53
                                    

UNEDITED****

Nakauwi na sila Bella at Elizabeth sa farm house ng kanilang Tito at Tita. Ang Tito Felix nila ay may aasikasuhin daw sa pamilihan kaya umalis ito. Ang Tita Nadia naman nila ay wala rin sa bahay dahil may lakad din ito.

Dumiretso silang dalawa sa kanilang kwarto at nagbihis. Si Bella ay nag-hilamos sa C.R. Pagkatapos niya doon, pagkalabas niya ay nakita ni Bella si Elizabeth na natutulog na sa kama nito.

"Sabi niya magkukwento ako. Tinulugan lang pala ako." -Bella

Hindi niya ito inistorbo at nagbihis na siya ng pambahay niya. Nagsuot rin siya ng makapal na jacket dahil sa malamig ang klima.

Anong gagawin niya ngayon? Hindi naman siya inaantok o nagugutom man lang. Napaisip siya.

Mamamasyal na lang siya sa labas.

Mahangin at makulimlim paglabas niya. Pumunta siya sa may lawa at umupo sa pinaka-dulo ng wooden bridge. Ang sarap sa pakiramdam pag nakakakita siya ng ganitong tanawin. Parang perfect...

"Hayss..." Naalala na naman niya ang nangyari kanina sa training.

Napabuntong hininga siya ulit. Nakakainis isipin dahil unang araw niya pa lang ay pumalpak na siya. Ang tanga niya sobra. Papano siya babawi? Malamang bukas mangyari na naman.

"Ahh... what's wrong with you Bella?! You should be focus! Wag kang papalpak sa sususnod kundi ikaw lang lang ang makikita. Lahat ng kilos mo banantayan nila...hay naku kinakausap ko na ang sarili ko---!" -Bella

Napatigil siya ng may narinig siyang ingay sa kabilang dako ng lawa. Nasa may malalaking damo nang-gagaling ang ingay.

Baka dahil lang sa hangin.

Sa iba na siya titingin pero naglikha na naman ito ng ingay at nakita na niya na gumagalaw ito.

"Sino---whos there?!" Tawag niya pero hindi ito sumagot.

Tumayo siya at tinignan ng mabuti ano yung gumagalaw. Ilang lapit pa niya ay may nakita siya.

It's a duck! And it's stuck in the bushes!

Phew... akala niya kung ano na. Pato lang pala.

Parang nahihirapan itong makawala sa palumpong. Gusto niyang tulungan ito pero masyado siyang malayo at kailangan pa niyang tumawid sa lawa gamit ang bangka.

Nakakaawa ito dahil mag-isa lang ito at nagpupumilit na kumawala. Kailangan niyang tulungan ito. Naghanap siya ng bangka pero wala siyang makita. Wala siyang choice kundi tumakbo patungo sa kabilang dako ng lugar. Malayo ito pero kailangan niya tulungan ang nakakaawang pato.

Cute pa naman.
.
.
⚊⚊⚊⚊⚊⚊⚊⚊⚊⚊⚊⚊⚊⚊⚊⚊⚊
.
.

Pagdating na niya ay hindi niya inasahan na mas matataas na mga damo siyang dadaratnan. Halos wala siyang makita.

Nagdadalawang isip siya kung tutuloy pa ba niyang pumasok. Para kasing ibang lugar na ito at iba na sa lugar ng Tito Felix niya. Pero naisip rin niya kung bakit siya napunta dito. Para iligtas ang kawawang hayop.Kaya nagpatuloy siya. Pumasok siya at hinawi ang mga nakaharang na mga halamang sa dinaraanan niya

Ilang sandali ay nakarating na siya at nakita niya kaagad kung nasaan ang hayop. Hindi niya ito maabot gamit ang kamay niya kaya naghanap niya ng mataas na tangkay at pinilit niyang abutin ang pato para mausog ito palabas ng palumpong.

Mister Billionaire's Secret Wife ( Dreame/Yugto APP Teaser Only)Where stories live. Discover now