25 MBSW

136K 1.7K 27
                                    

UNEDITED****

"Mga hija, kumain kayo ng marami ah para hindi kayo maging matamlay habang nasa training kayo." Sabi ng Tita Nadia nila habang naghahanda ito ng vegetable salad sa kanila.

"Yes Tita Nadie. Kailangan mas maganda ako doon baka...you know may gwafu boys doon diba---aray!" Kinurot ni Bella ito sa pisngi.

"Manahimik ka nga. Training nga ang ipinunta natin dito diba? At anong gwafu gwafu ka diyan? Magluluto tayo. Doon tayo sa kusina magtatrabaho." -Bella

Elizabeth rubbed her face. "Ang shaket noon bee ah! Uyyy hindi naman siguro. Malay natin sa labas tayo iassign kaya dapat mas diyosa ako doon." Sabay hawi sa buhok nito.

"Nako ikaw talaga Lili. Pag tapos ka na mag-aral diyan ka maghahanap ng gwapong sinasabi mo." -Tita Nadia

"Tita naman eehh..." -Elizabeth

"Nga pala Bella, may boyfriend ka ba?" -Tita Nadia

Napabuga siya konti. Mabuti nilunok na niyanang kinakain niya. "Po-po?!"

Grabe nagulat naman siya sa tanong nito.

"Nak-naku wala po!" Umiling siya.

"Wala bang nangliligaw sayo? Maganda ka naman hija at mabait" Curious na ito sa kanya.

"Tita NBSB iyan. Wala iyang pakiramdam. Tumitigas ang mukha niyan at hindi ngumingiti pag pinapasin siya ng mga boys." Patay malisyang sabi ni Elizabeth.

"Elizabeth! Ang dami mong sinasabi nakakhiya!" Nakakahiya talaga lalong lalo na kay Tita Nadia.

Wala kasi siyang oras para pansinin ang mga ganyan bagay. Mas gusto niyang mag-focus sa pag-aaral.

Pumasok si Tito Felix sa kusina. "Na-check ko na ang sasakyan."

"Tita Nadz tapos na ako kumain. Sa taas muna ako at magrere-touch ulit." Tumayo na ito at patakbo pumunta sa kanilang kwarto.

"Eto talagang bata 'to. Kung ano-ano ang inilalagay sa mukha." Sabi ni tito felix.

"Pabayaan mo na. Natural lang sa mga babae magayos sa sarili at first day niya sa training kaya dapat maayos ang itsura niya. Ikaw Bella hindi ka ba mag-aayos?" -tita Nadia

Ang tinutukoy nito kung maglalagay ba siya ng make up. "Ayos na po ako Tita. Hindi po ako nagme-make up."

Pulbo at lip balm ayos na sa kanya.
.
.
⚊⚊⚊⚊⚊⚊⚊⚊⚊⚊⚊⚊⚊⚊⚊⚊⚊
.
.
"Felicito ingatan mo mga bata habang nasa biyahe!" Bilin nito sa asawa. Matagal-tagal na daw kasi itong hindi nagda-drive.

Hindi kasi pwede si Tita Nadia dahil may lakad din ito.

"Nadia, marunong pa ako magmaneho." Sagot naman ni tito Felix.

"Aalis na po kami, Tita Nadia." Paalam ni Bella

"Pagpalain kayong dalawa at galingan ninyo doon." -Tita Nadia

"Yes, Tita Nadz! Walang makakapantay ng ganda ko pag nasa hotel na ako." -Elizabeth

Itinulak niya ito at pinasok sa kotse. "Oo na kaya pumasok na tayo dahil naghihintay na si Tito Felix. Alis na po kame!" -Bella

Mister Billionaire's Secret Wife ( Dreame/Yugto APP Teaser Only)Where stories live. Discover now