3 MBSW

305K 5K 152
                                    

SIMULA NG dumating si Zandro para mamamahala ng hotel, marami ng pagbabago at mas nagiging busy na rin ang kanilang mga trabaho. Each day, they do meetings, inspections, demonstrations and reports. Bawat department, kailangan may ma-ipakitang presentation para alam nito anong ang mga dapat i-development na kakailangan pang gawin at ayusin.

Ala una na ng hapon. Apat na oras ang naging meeting ng culinary department at ngayon pa lang sila binigyan ng lunch break. Siya, Leandon, Chelsea, Marie at Rica ang huling lumabas ng conference room.

"Guys, gutom na talaga ako!" sabi ni Leanon sa kanila.

"Bakit? Ikaw lang ba ang nagugutom sa atin?" Taray sabi ni Rica.

"Grabe ang boss natin no? Gwapo sana, pero masyadong istrikto. Parang bawal sa kanya ang ngumiti. Daig pa ang maraming problema ng pilipinas." Sabi naman ni Marie.

"Bunganga mo Marie, baka may makarinig sayo." Sabat ni Chelsea habang may nilalaro sa selpon nito.

Luminga-linga si Marie. "Wala naman ah! Tayo lang naman ang natira dito sa conference room. Gutom na yung iba at nag-uunahan na mga iyon sa canteen para mananghalian."

"Pero ang cool ah. Wala sa itsura ni Mr. CEO na marunong magsalita ng tagalog. Ang galling! Noong kasama ako sa pagse-serve ng kanyang pagkain kahapon, tagalog lang ang gamit niya habang kinakausap kami." Manghang sabi ni Leandon sa kanila.

"Malamang nandito siya sa pilipinas, siyempre magtatagalog iyon. Half french naman siya eh." Paliwanag ni Marie.

"Ui Don-Don! Saan ka ba sumuok na parang wala kang balita sa mga nangyayari dito? Hindi na ba sumasagap ng signal iyang buhok mo?" asar sabi ni Rica kay Leandon.

"Mananghalian na kaya tayo? Baka hindi pa tayo nakatung-tong sa canteen, eh magme-meeting na naman." Sabi ni Marie sa kanila.

"Mabuti pa itong si Bella may dala na siyang sariling baon. Hindi na siya pipila para bumili." Naiinggit sabi ni Rica.

"Nagtitipid kasi ako. Ang mahal naman kasi ng mga pagkain dito." Sagot niya.

Tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya mula sa bulsa at tinignan sinong tumatawag. Gumuhit na ngiti sa kanyang labi ng mabasa niya kung sino ito.

"Guys, mauna na lang kayo, may kakausapin lang ako sandali." Paalam sa kasama niya.

Nauna na ang mga ito umalis. Sinagot niya ang tawag nito. "Hello."

"Good afternoon, Bell. Pasensya ka na ngayon lang ako nakatawag." Si Matthew Lao. Kaibigan niya ito at nakikilala niya ng mag-training siya sa France. He is a physician kaya hindi sila makapagusap ng matagal dahil sa trabaho nito.

"Yes. It's been a while, Matt. Wala naman kaso sa akin. Alam ko na busy ka sa trabaho mo."

"Oo nga. Thank you sa pangunawa, Bella." Masayang bigkas nito.

"Nga pala, kumusta ka na? Bakit ka pala napatawag?" kumusta niya rito.

"I just want to talk to you for a bit. Kinukumusta ka, ang trabaho mo diyan, anything. Umm... Bella, are you free at Saturday night?" Matthew is asking her out.

Mister Billionaire's Secret Wife ( Dreame/Yugto APP Teaser Only)Where stories live. Discover now