11 MBSW

252K 3.6K 150
                                    

Maaga siyang pumasok sa opisina nito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Maaga siyang pumasok sa opisina nito. Binigyan siya ni Zandro ng card key para hindi na siya maghintay kapag nauna na siya pumasok.

Kanina sa lounge ng hotel, nagkita-kita silang magkakaibigan sila Marie, Leandon, Rica at Chelsea. Nagtataka kasi ang mga ito kung bakit hindi na siya nakikita sa dati niyang pwesto. Sinabi na rin niya sa kanila na inassign siya ng kanilang boss na maging personal cook nito. Imbes magalit ito dahil hindi niya sinabi kaagad ay naging masaya at supportive ito sa kanya. Mas maayos daw ito para tumaas ang kanyang sweldo at para rin sa mga babayarin niya sa kanyang pangarap restaurant.

Pagpasok niya sa loob sobrang tahimik ng lugar. Nasaan kaya ang bugnutin niyang boss? Baka hindi pa ito dumarating.

Naalala niyang may 3 bedrooms dito kaya para makasiguro pinuntahan niya ito. Pinuntahan niya ito at iniisa-isa niyang kinatok ang mga pinto at pinihit ang doorknob. Wala siyang narinig na sumagot at nakakandado din ang mga pinto.

Since siya lang magisa rito at masyado pa yatang maaga kaya naisipan niyang magluto ng agahan. Baka pagdating nito rito sa office magpapaluto ito.

Nagluto siya ng Bacon, pancakes, sunny side up at nagtimpla siya ng kape.

Nakakagutom. Gusto sana niyang kumain ulit ng agahan pero para ito sa BOSS nia.

Inihanda na nito ang mga utensils sa kitchen bar counter ng may narinig siyang mga yapak papunta sa counter.

"You're early."

Pagtingala niya muntik na niya mabitawan ang plato ng makita niya si Zandro.

"Good morning."

Oh my god. Messy bed hair and he's only wearing grey sweatpants. Wala itong suot na pangitaas.

Kitang kita nito ang mga muscles at 6 packs abs. Pagtingin niya sa baba nito kita ang pelvic muscles and it's so damned sexy...

Mukhang nawala siya sa sarili. Kailangan niyang ibaling ang tingin niya sa iba baka mahuli siyang nakamasid sa katawan nito.

"Hey."

Nagulat siya. Hindi pala niya namalayan na malapit na pala si Zandro sa kanya. "Aa--good-good morning." Bati niya dito. Halata masyado na nauuutal siya.

"Dito ka pala natulog." Tanong niya rito.

"Yeah. Nagising ako ng may kumatok."

Akala niya walang tao. Nandito pala ito.

Tumingin ito sa inihanda niya. "You made breakfast?"

Mister Billionaire's Secret Wife ( Dreame/Yugto APP Teaser Only)Where stories live. Discover now