28 MBSW

135K 1.7K 50
                                    

****UNEDITED****

Araw ng sabado.

Sila Bella at Elizabeth ay naghihintay sa labas dahil si Alexandro mismo ang susundo sa kanila para ipasyal silang dalawa sa farm nito. Sabi kasi ng Tito Felix nila na uunahin nilang ipasyal ang farm nito dahil mas maraming pananim sa lugar ni Alexandro.

Nakaupo silang dalawa sa bench katabi lang ng light post.

"Kahapon ko pa yan nakikita iyang mukha na iyan, Bee. Dahil doon kay Alexandro, no?" Tanong ni Elizabeth sa kanya.

Hindi maipinta ang mukha niya dahil sa inis. Dahil itong lalaking ikinaiinisan niya mismo ang magiging tour guide nila at sa farm pa nito sila mamamasyal.

"Halata ba? Nakakainis naman kasi. Bukod sa magkakakilala pala sila ni tito Felix, sa mismo lugar pa nito tayo ipapasyal. EH, alam mo naman ang nangyari sa akin diba?" -Bella

"Bee, kalimutan mo na kasi yung nangyari. Hindi naman sinasadya ni Mr. Alex na nalublob ka sa putikan ng mga piglets niya diba? And in the first place, lugar niya yung trenespassing mo of course maalarma iyon." -Elizabeth

Elizabeth has a point. Pag-aari nito ang lugar na napasukan niya. Malawak ang lugar nito at maraming alagain na mga hayop at pananim kaya guwardilyado nito sa bawat sulok.

Nilingon niya ito. "Tama ka rin naman. Hayss... siguro sa galit ko marami akong pinagsasabi sa kanya. Nagalit kaya ako sobra. Akala ko mamamatay na ako doon."

"You know what, Bee? Kaya kita love kasi ang ikli ng pride mo." Lambing na sabi nito sa kanya.

"Ow? Talaga?" -Bella

"Oo, Bee. Pero, padalos-dalos ka naman hahaha!" -Elizabeth

"Ahhh ganon? Inaasar mo na ako?" Kinurot niyaabg tagiliran nito.

"Wag diyan!" -Elizabeth

May narinig silang busina. Paglingon nila may isang truck na paparating sa bahay.

Huminto ito sa harap ng bahay at nakita niya si Alexandro pababa ng sasakyan. Nakilala niya ito agad dahil nakasuot na naman ito ng malaking sumbrero niya.

"Bonjour mes demoiselles. Are you ready for our tour?" Masayang bati nito sa kanila.

"Of course, Mr. Alex! Ready na kami ng bonggang bongga! Diba, Bee?" Excited naman sagot ni Elizabeth rito.

Hindi siya sumagot.

Siniko siya nito. "Bee! Dibaaa?"

Napilitan na lang siyang sumagot. "Oo."

"So, let's go." Iginaya sila sa sasakyan nito.

Ang laki ng truck na dala nito. May dala-dalang repolyo, patatas at iba't ibang uri ng mga gulay.

Napakamot ito sa batok. "Nako, pasensya na at ito ang sasakyan na ginamit ko. May idedeliver pa kasi ako sa pamilihan. Pinuntahan ko na rin kayo para maisama at makita niyo naman ang pamilihan dito. Kung gusto niyo lang naman."

"Of course Mr. Alex! Good timing ka kase excited na kami ni BHEELLAA... mamasyal. Diba Bella?"-Elizabeth

"O-oo." Sasagot na lang siya baka kurutin na siya nito sa singit.

Mister Billionaire's Secret Wife ( Dreame/Yugto APP Teaser Only)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon