24 MBSW

135K 1.7K 28
                                    

UNEDITED****

"Wow Tita! Mas lalong gumanda itong farm niyo ah gaya noon nagbakasyon kami nila mama at papa rito." -Elizabeth

Kadarating na nilang tatlo sa biyahe papunta sa farm ng Auntie Nadia nito. Hindi niya alam ilang oras ang biyahe papunta rito dahil parehas silang tulog ni Elizabeth.

"Sa tagal-tagal mo ng hindi nakapunta dito marami na nagbago. Alam mo naman iyang Tito Felix mo masyadong maalaga sa bukid niya." Sabi nito habang inilalabas nila ang kanilang mga bagahe sa compartment ng kotse.

Napamangha si Bella sa lugar. Iba talaga pag sa ibang bansa gaya nito. Ang nakikita niya sa mga pelikula ay nakikita na niya ngayon sa personal. Mga bundok na may halong kulay puti at mga hayop na wala sa pilipinas makikita.

"Bella, diba ang ganda dito? Pag hindi kita pinilit na pumunta rito tiyak sa t.v mo na lang ito makikita." Parang inaasar siya ni Elizabeth ah.

"Hmm... kung dahil na rin sa 'sales talk' mo hindi ko makakaranas ng ganito." Biro niya sa kaibigan.

"Sinong hindi magagandahan dito sa lugar na ito? First time mo ata makapunta ng ibang bansa hija?" Tanong nito kay Bella.

"Opo Tita first time po. At sobrang ganda po pala dito." -Bella

"Im sure magiging masaya ang pagpunta mo rito. Alam mo ba, pagkatapos namin ikasal ng Tito Felix niyo dito niya ako dinala at first time ko rin nakapunta ng ibang bansa at sobrang nagandahan ako rito." Kwento nito sa kanya.

"Kase engrossed masyado si Tito sa pagtatanim at pagaalaga ng kung ano-ano." -Elizabeth

"Kung ano-ano?" Tanong niya.

"Mamaya na natin ipagpatuloy ang chika natin at pumasok na tayo. Naghihintay na siguro sa loob ang Tito Felix niyo." -Tita Nadia

Kinuha na nila ang kanilang mga gamit at lumakad papunta sa isang napakaganda at simpleng bahay. It's a wooden house. Simple at classic ang design at napapalibutan ng mga halaman. Sabi ni Tita Nadia na spring ngayon dito.

Binuksan ni Tita Nadia at pinto. Pagpasok nila, tumambad kay Bella ang ganda ng bahay. Homey sa pakiramdam. Halos lahat ng disenyo ng bahay ay may kulay brown at wooden walls ang ginamit. Pati na rin ang mga furnitures ay antique. May halong french filipino ang style.

"Felicito nandito na kami! Kasama ko na mga pamangkin natin!" Tawag ni Tita Nadia sa asawa.

Pero hindi ito sumagot.

"Hay nako sigurado akong nasa kanyang mga pananim na naman iyon at nagtatanim. Mga hija maiwan ko mina kayo at pupuntahan ko ang Tito Felix niyo." Umalis na ito.

"Iwan muna natin itong mga bagahe natin dito at pumunta tayo sa kusina." Yaya ni Elizabeth at pumunta na sila sa kusina.

Nasa kusina na sila. Nakaupo na si Elizabeth sa dining chair.

Napansin siya nito. "Naninibago ka ano?" Tanong nito.

Patingin-tingin siya sa paligid ng kusina. Maganda rin ang design. May viewed mirror din kaya maaliwalas ang lugar.

"Oo eh. Ibang iba talaga sa pilipinas at sobrang lamig." -Bella

"Yeah. So kailangan masanay kana. Matagal-tagal tayo titira rito at baka magkasakit ka. Hindi ka pa naman sanay sa lamig." -Elizabeth

Mister Billionaire's Secret Wife ( Dreame/Yugto APP Teaser Only)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon