13 MBSW

225K 3.3K 126
                                    

Bilin sa kanyang "Boss" na dapat ay maaga siyang pumasok sa opisina nito dahil magso-shopping daw sila. Pagpasok niya sa loob ay naka-upo ito sa couch.

"Good morning, Sir." Bati niya rito.

Lumingon ito ng marinig siya. Tumayo na ito at lumapit sa kanya. Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa.

Na-consious siya sa ginawa nitong pagtitig sa kanya. "Ba-bakit?"

"Why are you wearing your uniform?"

Tinutukoy nito ay ang chef uniform niya. "Huh? Bakit may problema ba?"

"Go to the guest room. Magpalit ka ng damit." Utos nito.

Hindi na siya nagtanong pa at pinuntahan na ang isa sa mga kwarto at nagbihis. Nakasuot siya ng grey hoodie, jeans at white rubber shoes.

Tapos na siya at lumabas na ng kwarto. Si Zandro ay nasa couch ulit at nagbabasa ny diyaryo. Ngayon lang niya napansin na hindi ito naka business suit. He is wearing white polo shirt, black jeans at leather shoes. He looks so fresh at parang makikita parin ang authority nito.

Naramdam ata ni Zandro na nasa likod siya nito. "Are you done?"

"Oo, tapos na ako."

"Iwan mo na iyan bag mo." Sabi nito ng makita nito dala niya ang kanyang bag.

"Dadalhin ko lang."

"Okay. Let's go." Kinuha nito ang susi at naunang lumabas.

Ibang klase. Paiba-iba ng mood ang boss niya. Kahapon todo ngiti. Ngayon naman ang suplado.

Dinala siya ni Zandro sa isang boutique. Pagpasok nila napamangha siya. The gowns, all kinds of dresses even wedding dress. Nakapunta naman siya rito pero sobrang tagal na noon magpapasama si Elizabeth sa kanya.

May lumapit sa kanilang babae. "Good morning ma'am, sir. I'll be assisting you today. What can I do for you?" I think saleslady ito.

"Can you find an elegant gown for her? It's for an evening party."

"Of course, Sir. This way, ma'am." Yaya nito sa kanya. Iginaya siya nito kung saan nakahilera ang mga magagandang damit.

"Miss, tatawagan na lang kita kapag nakapili na ako." Sabi niya sa babae.

"Okay po, ma'am. Nasa reception counter lang po ako."

"Sige. Salamat."

Umalis na ito at siya na lang ang magisa sa tapat ng mga naggagandahang mga damit. Hindi niya alam saan siya magsisimula. Ang dami at masyadong magaganda ang mga ito.

Tinignan niya ito ng isa-isa. May nakikita siyang mga designs na gusto niya pero ng tumingin na siya kung magkano nalula siya.

15,000 pesos
9,000 pesos at
35,000 pesos... para lang sa isang gown?!

Gusto niya ang mga damit pero masyadong mahal! She wants to back out because of the prices.

"Nakapili ka na?"

Mister Billionaire's Secret Wife ( Dreame/Yugto APP Teaser Only)Where stories live. Discover now