2 MBSW

346K 5.5K 238
                                    

PASADO ALAS tres na siya nakauwi sa kanyang tinitirhang apartment. Pagupo pa lang niya sa sofa, ramdam niya agad ang pananakit ng kanyang katawan at kumakalam na rin ang kanyang sikmura pero wala siyang gana kumain kaya uminom na lang siya ng gatas.

After that she take a quick shower and wear her pajamas. Nakaupo siya sa tabi ng kama at sinusuklay ang kanyang buhok.

Hindi siya makatulog sa nangyari kanina. Hindi siya makapaniwala at kanina lang niya napagtanto na ang hotel na pinagtatrabauhan niya ay mismong isa sa pagmamayari ng dating niyang asawa.

Si Alexandro. Si Zandro. Ang minahal niya. Ang pinakasalan niya. Na iniiwasan niya sa mahabang panahon na ngayon ay nasa harapan niya mismo at tinignan siya na may puot at galit. Bakit ganoon ito makatingin sa kanya? Dapat nga siya pa ang magalit dahil sa mga kasinungalingan at mga sikretong tinatago nito sa kanya noong nagsasama pa sila.

Unfair sa kanyang part. Kahit katiting walang sinasabi si Zandro kung sino ito, pero itong tao na binigay niya ang kanyang buong pagkatao, ni hindi nito kayang sabihin sa kanya kung sino talaga ito.

Inalala niya ang mga pangyayari na sinalubong nila si Zandro sa grand ballroom.

-----○■•□○○♤-----


"Everyone, let's welcome, the CEO of Lé Alessandré Luxury Hotel, Mr. Alexandro Santoro."

"Welcome, Mr. Santoro." Sabay sa pagbati ng mga empleyado rito. Pero ni isang salita, wala siyang maibigkas. Sobra siya nagulat ng makita niya muli ito.

Nagmasidmasid si Zandro sa kanilang lahat bago ito nagsalita. "I presume I didn't give an announcement to know that I will be here today... at this time. No hard feelings because you just work here." seryoso at walang ka ngiting-ngiti sabi nito.

Naglakad ito habang nagsasalita papalapit kung saan siya nakapwesto. Sobra siyang kunakabahan. Ang bigat-bigat ng kanyang pakiramdam habang nakatuon ang mga mata nito sa kanya.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. In this company, all you have to do is to serve our clients the best services you ever give. Ayoko ng may naririnig na kahit ano mang reklamo sa mga guests at sa kahit saan man sulok ng hotel."

Nang malapit na ito sa pwesto niya, ay timigil si Alexandro sa tapat. Hinarap sila mga chefs. "At sa lahat ng ayoko, ang mga empleyadong nang-iiwan bigla ng kanilang trabaho. Don't be irresponsible."

Hindi man ito tumingin sa kanyang direksyon pero ramdam na ramdam niya na siya ang tinutukoy sa dalawang salitang binanggit nito.

"Nang-iiwan bigla". It keeps repeating inside her head.

Lumakad ulit ito pabalik sa stage. "I don't take second chances. One mistake is enough to fire you. I don't care about your personal problems, all I want is your dedication to this company. Hindi kayo nagtatrabaho dito para asikasuhin ang mga walang kwentang bagay. Sinuswelduhan kayo dito with additional incentives to do your job. That's all you may now leave." Tumalikod na ito at may tinignan ang mga papeles na binigay ng supervisor ng hotel.

Anim na taon niya ito hindi nakita at wala siyabg balita tungkol nito. Nakita niya ang mga pagbabago ni Zandro pati na rin ang hitsura nito. Gumuwapo ito lalo at parang mas tumangkad. Mahaba ang buhok nito at tumikas lalo ang katawan. Like he's a demigod.

Mister Billionaire's Secret Wife ( Dreame/Yugto APP Teaser Only)Where stories live. Discover now