Chapter 16: Christmas

4K 111 28
                                    


Kaye P.O.V

Habang busy ang mga ate ko sa training nila, ito ako inutusang gumawa ng isang bagay na exciting.

Nandito ako sa pinakatuktok ng AMC. Inayos ko ang telescope at sinet ang pana. Nilublob ko muna ang arrow sa potion na ginawa ko kahapon.

Hmmm, ang tagal namang lumabas ng babaeng 'yon.

Inaabangan ko ang babaeng kahapon ko pa minamanmanan. Mailap siya masyado, siguro nakatunog siya na siya na ang latest na pupuntiryahin namin.

Ayon na! binaba ko ang telescope at pinalipad ang pana sa babaeng palingon-lingon sa dinadaanan. Shoot! Asintado, tumama ang arrow ko na mabilis na lumipad papunta sa likod niya.

Napatigil siya at nagulat sa panang nakasaksak na sa likudan niya. Inayos ko muna ang mga gamit ko at tinali ng maayos ang rope sa bakal na nandito sa bubong ng AMC. Tinali ko naman ang dulo nito sa baywang ko. Nag rappelling ako pababa. Kangawit sa kamay, ang taas pala nito.

Nang nakababa na ako ay agad akong tumakbo sa direksyon ng babaeng nakasalampak na sa damo. Epekto ng gamot na nasa arrow. Nilapitan ko ito at nilagay sa human size na bag na bitbit ko. Kahit sobrang bigat ay nagawa ko itong buhatin.

Habang naglalakad ay hindi maiwasang mapatingin saakin ng mga studyante. Nagtataka siguro kung bakit may malaking bitbit akong bag. Hindi ko pinansin ang mga tumitingin, akala siguro maglalayas na ako.

"Need help?" may nagsalita sa tabi ko.

Hala! baka makahalatang tao ang bitbet ko.

Tiningnan ko ito at laking gulat ko sa lalaking nasa tabi ko, Kris Fiel. Ang nakababatang kapatid ni Axelle Fiel. Siya yung nakalaban ko sa battle field.

He smiled at me.

"Tulungan na kita?" akmang bubuhatin na niya ang hawak ko pero agad ko itong iniwas.

"Ah... hindi na, kaya ko naman."

"Nope, I insist. Pambawi ko nadin sa nangyari nung duel battle."

Ang gwapong lalaking bumugbog sa katawan ko sa umiikot na buhangin!

Hindi ko na napigilan ang pagkuha niya ng bag sa kamay ko.

"See?ang bigat nito," ngumiti na naman siya.

Aagawin ko pa sana ng nagvibrate yung nasa tainga ko. Pasimple kong pinindot ang button nito.

"Kaye, asan ka na? Dalian mo sayang oras, may assignment pa kaming gagawin ni Yvon..." pinatay ko na ito at tiningnan ang relos ko, 4:30 na. Baka magising pa bigla 'to.

"Sige salamat," wala na akong nagawa at para hindi nadin ako magtagal.

"Saan mo ba 'to dadalhin?"

"Sa dorm room namin," nag-umpisa na akong maglakad at sinabayan naman niya ako.

"Ano bang laman nito?"

Hala! Anong sasabihin ko? Mag isip ka maigi Kaye.

"Ah... mga... girly stuff. Namili kasi ako kanina ng lahat ng gusto ko kaya madami 'yan," palusot ko.

Sana hindi siya makahalatang tao ang nasa loob niyan.

"Ah... mga babae nga naman," umiling iling pa siya habang nakangiti.

"Hindi naman... sadyang ganyan lang kaming mga taga mundo ng mga tao."

"Wala namang pinag kaiba 'yon, hindi naman kami mga alien," natatawa siya sa sinabi ko.

"Iba parin kayo! May mga kapangyarihan kayo."

Tumawa siya ng mahina. "Katulad mo 'din kami "

"Hindi ah," pag-angal ko.

Academy Magica ColorisWhere stories live. Discover now