Chapter 35: Heal

1.1K 46 0
                                    

"Oh shut up Airos, just heal the wounds!" sinigawan siya ni Kaye.

Sa pag haplos ng hangin sa balat ko ay mas naramdaman ko pa kung gaano kasakit ang kanina ko pa tinitiis. I felt the effect of how much blood I'm loosing.

"Airos shit! Kumakalat na sa katawan niya ang venom!" sa pag sigaw ni Mizu ay saka ko nakita ang kulay pulang ugat na guhit guhit sa braso ko.

Nararamdaman ko ang paggalaw at pagkalat na parang kuryente sa loob ng balat ko.

Hindi ko napigilan mamilipit sa sakit, napasigaw ako.

"Shit!" natataranta ang boses ni Airos.

I felt the cold wind from his hand, mula batok ko hanggang sa likod ko. Paulit-ulit niyang ginawa pero mas tumindi lang ang sakit.

"Walang nangyayari!" inis at taranta ang sumibol sa boses ni Airos, malayong-malayo sa maloko at childish niyang boses.

Ilang ulit ko pang naramdaman ang malamig na hangin galing sa kamay niya pero mas lalo lang sumasakit.

I can't take the pain, it is like someone is cutting my skin over again and again.

"My healing ability doesn't work to her body, shit just shit. Anong gagawin ko?!"

Another painful screamed from me. This time hindi na dahil sa sugat, kung hindi dahil sa parang electricity na gumagapang sa buong katawan ko. The red lines are now visible to my skin.

"You should stop Airos..."

"What?! Anong sinasabi mo Ash? Hindi mo ba nakikita? Yvon's dying!"

Lumapit si Ashton at marahas na nilayo ang kamay ni Airos saakin.

"She's dying by your hands..."

Lumuhod siya sa harapan ko para mag kasing level na ang pwesto namin.

"Her body is fighting your powers, she can't be cure by healing powers, the only thing we can do is let out the venom out of her body..." nakatingin siya saakin habang ako pinipigilan ang mapasigaw sa sobrang sakit.

"Mizu, create sharp object."

Mukhang alam na ni Mizu kung ano ang gagawin ni Ashton. From his palm he created a small knife by ice. Lumuhod siya sa kabilang side ko. Then he slowly cut my wrist using his ice knife. I bite my lower lips to stop the pain. Inabot niya ang isa ko pang wrist at ginaya ang ginawa sa kabila.

Hinawakan ni Ashton ang left hand ko saka ibinaligtad para lumabas ang dugo. Ginaya ni Mizu sa kabilang kamay ko ang ginawa ni Ashton, at ngayon mas nararamdaman ko ang pagkaubos ng dugo ko. Umiikot ang paningin ko, nararamdaman ko din ang pagtibok ng mabilis ng aking puso.

"Now Yvon, you're the one who can heal your own body. It's hard to believe but you need to trust me..." hindi niya inalis ang mata niyang nakakonekta saakin.

"Look at me, deep breathe slowly and concentrate. Don't think anything, just concentrate with the beat of your heart."

Ginawa ko ang sinabi niya. Huminga ako ng malalim, pinakiramdaman ko ang pintig ng puso ko. Bawat pintig, bawat tibok, lumalakas ang tunog sa pandinig ko. Ang mata niya'y hindi binitaw saakin. Nawawala sa presensya ko ang mga tao sa paligid. Parang hipnotismo ang kanyang mata  na dinadala ako sa ibang dimension. Ang kaninang sobrang bilis na pintig ng puso ko ay unti unting bumagal. Hanggang sa naging normal na ito. Ang mabigat kong paghinga ay gumaan. Saka ko naramdaman ang pagbalik ng mga tao sa paligid ko.

"O my! Naghilom ang mga sugat mo Yvon!" matinis na boses ni Kaye ang una kong narinig.

Doon bumalik ang pagiisip ko, doon ko naramdaman ang pagkawala ng mahapding kirot galing sa mga sugat ko sa likod. Doon ko narealize kung gaano nakakalunod ang mga mata ng taong nasa harapan ko.

Bumitaw ako sa pagtitig sa nga mata niyang nakakapang ubos ng lakas. Tiningnan ko ang wrist ko kung saan hawak pa nila ng tig-isang kamay. Binitawan nila ng sabay ito kaya inikot ko para maiharap saakin ang hiniwaan nila. Nakita ko mismo kung paano ito magsara ng dahan dahan. Hanggang sa tuluyan ng nawala ang hiwa at ni isang bakas ay walang naiwan.

Paano nangyari 'to?

Nagtataka kong tiningnan si Ashton na nasa harapan ko padin at mukhang kanina pa pinanonood ang bawat paggalaw ko.

Tumayo siya, "It's done."

"How..." hindi ko mahanap ang tamang sasabihin upang itanong.

"Thanks," sa huli ay iyon na lang ang lumabas sa bibig ko.

I saw how exhausted he is. He nodded and leave us.

"That's awesome Yvon!" si Kaye ang bumasag ng katahimikan.

Tumayo si Mizu, "I think I need to go," he smiled weakly, "Mag pahinga ka na, Yvon."

Then he left. Kung si Ashton ay exhausted dahil sa laban kanina, si Mizu ay exhausted din pero mas kita sa mata niya ang lungkot.

"Natakot ako doon! Akala ko mamatay ka na Yvon," napasalampak ng upo si Airos sa lupa.

"You're not cool," comment sa kanya ni Kaye.

"Hey, mas matanda ako sayo!"

"You acted like my age."

"O c'mon! Kanina pa ako naiirita sa bos---"

"We should all rest..." tumayo ako para magtigil na sila.

"Thanks Airos for your effort on saving me."

Nanlaki ang mata niya at natumba siya sa pagkaka upo sa lupa. "Did you... did you just smile?" kinusot kusot niya ang mata niya.

"Hindi naman ako namalikmata hindi ba?"

Napailing na lang ako saka sila iniwan doon. This school makes me worst. I cried in front of the most worst guy I know. I did have care for everyone which is not really me. I smile a little without knowing. I think... I can't control my emotion anymore, and that's crazy.

Academy Magica ColorisTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang