Chapter 41: They can see us

2.7K 87 18
                                    

Entering the Passage forest makes me feel I am surrounding of dark and emptiness. The trees are big and tall like a giant tree. The sky is pitch black, at sa pag pasok namin ay umilaw ang mga braso ng tatlong Princeps.

Malamang ay masakit yon dahil sa pagsigaw ni Airos habang si Axelle ay napatigil at napahawak sa kanyang tattoo sa braso. Airos' tattoo is a symbol of Air, the Aeris tattoo while Axelle's tattoo is the symbol of earth, the Terra tattoo. Sumunod ang pag-ilaw ng kay Ashton, parang wala lang sa kanya ito pero ng tinaas niya ang manggas ng t-shirt para makita ang nangyayari sa tattoo niya doon ako napaatras sa kanila.

Dalawang dahilan... his tattoo is an Ignis tattoo. It's like a twin tattoo of mine in the wrist. The second is... I felt something is burning. Tinanggal ko ang wrist band ko at doon ko nakita ang pag-ilaw ng Ignis tattoo na nasa wrist ko. Pinaghalong orange and red ang nasa balat ko. Para itong nasusunog na tattoo. Pinigilan ko ang sarili ko mapahiway sa sakit. Binalik ko ang wrist band at pumikit ng mariin.

Sa pagdilat ko ay saka ko lang napansin na nasa likod pala ako ng isang puno, mabuti na lang.

"Ano nangyari sainyo?" tanong ni Via sa tatlong Princeps.

"Nagsealed ang Elemental powers sa loob ng katawan namin dahil sa forest na 'to, kaya mananatili tong naka lock sa loob at hindi namin magagamit," si Airos ang sumagot sa kanya, mukhang nawala na ang sakit sa braso niya.

Habang ang nasa wrist ko ay unti- unting nawala ang sakit. Tiningnan ko ng pasimple ang nasa loob ng wrist band, nawala na ang liwanag nito. Sa pag angat ko ng tingin ay si Ashton ang nakita ko. Bumaba ang tingin niya sa part ng kamay ko... doon ko lang narealize na nakatingin siya sa palapulsuhan ko.

Nag angat siya ng tingin at naglakad paalis sa pwesto namin na parang wala lang sa kanya ang nakita.

Nakita niya ba ang tattoo ko?

"Nasaan si Mia?"

Ang atensyon ng lahat ay napunta kay Via. Hinanap ng mata ko si Mia sa paligid namin pero wala nga siya.

"Shit! Mia asan ka?!" sigaw ni Via.

"Wala bang nakapansin sa kanya?" tanong niya saamin pagkatapos sumigaw.

"Nasa pag-ilaw ng tattoo nila ang atensyon nating lahat," sagot ni Mizu sa kanya.

"Tara hanapin na lang natin," said Airos, and started calling Mia's name. "Mia the glasses where are you?!"

"Mia?!"

"Asan ka?!"

"Miaaaa..."

Nagsisigaw sila habang naglalakad para mahanap si Mia. Maya maya ay isang malakas na sigaw galing sa boses ni Mia ang narinig namin.

"Tulong!"

"Asan ka Mia?!" pabalik na sigaw ni Via.

"She's here..." flat tone ang boses ni Ashton galing sa bandang malayo pero narinig parin namin dahil malakas iyon.

Tumakbo kami papunta sa pwesto ni Ashton.

"Asan?" tanong ni Via.

Inangat ni Ashton ang ulo niya kaya lahat naman kami ay napatingin sa taas ng puno... hawak ng sanga si Mia.

"Ibaba niyo ko!" naiiyak na sigaw ni Mia.

Akmang lalapit si Via sa punto pero pinigilan siya bigla ni Ashton, "Don't," nakatingin siya sa paa ni Via.

Kumunot ang noo ni Via dahil sa pagtataka.

"When you step your foot on the roots, the tree will activate from sleeping and started to move like a monster tree," he explained.

Academy Magica ColorisWhere stories live. Discover now