Chapter 28: Hiromi Spence

2.7K 82 21
                                    

Cassandra P.O.V

Kitang-kita ko kung paano pinipigilan ni Yvon ang galit niya. Ngayon lang nangyari sa kanya ang ganito. Kapag nasa school siya sa mundo ng mga tao ibang iba siya. Matalino siya sobra kaya marami ang humahanga sa kanya. Nagsusumikap siya gumawa ng sarili niyang pangalan. Ayaw niya ng nakikilala siya dahil lang sa pagiging San Agustin niya. Ni isa walang sumubok kalabanin siya dahil alam ng lahat na walang mananalo sa kanya. Wala siyang tinuturing na kaibigan pero wala din siyang tinuturing na kaaway. Ibang iba siya sa Yvon na studyante at sa Gem na leader ng White Warrior.

"You're right. I killed Harvey Gilbert, and I am not an angel or a saint... but the hell all I know is I never say that I am. Wala akong pakielam kung ano ang tingin niyo saakin. You don't fucking know me! If you think that I'm a whore, then so be it. If you think I'm a killer then think that until the end of you're life because I don't give a shit to what you fucking thinking about me"

After she said those words ay umalis na siya. Narinig naming lahat ang pagpigil sa kanya ni King Maxon.

"See? She's really crazy! A killer, a whore, a shit!" sabi ng isang babae, hindi ko alam ang pangalan.

Wala akong balak alamin.

"Aren't you going to stop?" galit na tanong ko.

"No! Why would I? Iyon naman ang totoo," she flipped her hair.

Grrr! Sarap hilahin ng buhok niya.

"Masyado ng malala ang pagiging insecure mo Coleen," Yen said, she's also mad.

"Ako pa? Hindi niyo ba narinig, umamin na siyang pinatay niya yung Harvey na 'yon," pagtataray ni Coleen.

Nag-umpisa na namang mag ingay ang mga babae na nandito. Hindi ko na nagawang sumagot dahil wala namang magbabago sa isip ng mga insecure na mga babaeng 'to.

"Stop talking or I'll burn you all to death."

O my! Nagulat ako sa pinanggalingan ng boses na 'yon. Tiningnan ko kung tama ba ang hinala ko baka kasi nagkakamali lang ako ng narinig.

Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko si Ashton na nakatingin kay Jane. Siya ang huling nagsasalita bago magsalita si Ashton.

Natahimik ang lahat.

Tumayo siya...

"The next time I hear you say some none sense word... that will be your last time talking in this world."

Madilim ang mukha niya. Tiningnan niya kami isa isa saka tumayo, naglakad siya paalis.

Bago pa ko makapagsalita ay tili ni Yen ang narinig ko. Nasundan ng tili ng iba pang mga babae.

Pagtingin ko sa table cloth...

"Fire!" hindi ko napigilan mapasigaw 'din.

Gumagapang ang apoy sa dulo ng table papunta sa kabilang dulo.

Nataranta ako dahil sa nagliliyab na apoy sa harapan namin.

"Stop the fire!" boses ni King Maxon ang umalingawngaw sa buong dining hall.

Lumapit ang mga servant, pero bago sila lumapit ay humina na ang apoy.

Si Airos ang nakita namin sa harap ng table. Naging kulay light blue ang mata niya.

"The fire has oxygen," bulong ni Yen saakin.

Hinigop ata niya ang oxygen para humina sa pagliyab.

Lumapit si Mizu pumikit siya at pagdilat niya ay kulay white na ang mata niya... clear white.

Naging yelo ang mahinang apoy, kasabay non ang pagbalik sa kulay itim na mata niya. Wow! Astig.

Academy Magica ColorisWhere stories live. Discover now