Chapter 63: I'm a Monster

1K 34 0
                                    

Malapit na ako sa pwesto nila ng humarang sa daanan ko ang lalaking naka half mask.

"Hi... Gem," malademonyong boses niya, wala akong mascara kaya kitang kita na niya kung sino talaga si Gem.

He's my worst rival. His name is King. Ilang beses ko na siyang nakalaban sa underground at lahat ng laban na 'yon ay natalo ko siya. Ngayon ay hindi na ako magtataka kung ano ang kailangan niya.

"I have no time with your shit King," walang emosyon ang pagkakasabi ko.

Pinipigil ko ipakita ang takot dahil sa pwedeng mangyari kay Tyler.

Itinapat bigla ni King saakin ang baril, mabilis ko naman naitapat sa kanya ang baril ko. Wala pang isang segundo sabay na pumutok ang parehas na hawak naming baril.

Naiwasan namin parehas ang balang lumipad papunta sa magkabilang pwesto namin. Nagpatama na naman siya saakin kasabay din ng pagpapatama ko ng bala sa kanya. Masyadong mabilis ang pangyayari dahil nakita ko na lang ang sarili ko na may tama sa balikat. Hindi isang bala ang bumaon... isang gamot. Alam ko kung ano ang nakabaon sa balat ko.

Umikot ang paningin ko.

"Yvon!" sigaw ni Tyler ang huli kong narinig.

Malamig na tubig ang gumising saakin at nakakasilaw na liwanag galing sa ilaw ang sumalubong sa pagbukas ko ng mata.

"Mabuti naman at gising ka na," nakakairitang boses ang bumungad.

"Where is Tyle?"

Halos manginig ako sa lamig ng tubig na naiwan saakin.

"Ah yung boyfriend mo ba?" tumalikod siya saka binuksan ang ilaw sa harapan ko.

Tyler is tied in the wooden chair. Namamaga ang mukha niya.

"What the hell did you do?!" sigaw ko kay King.

"Ahm, ang tagal mo kasi magising kaya siya muna ang ginawa kong punching bag. Ngayong siya na ang tulog ikaw naman ang isusunod ko," malakas na sampal ang lumapat sa kaliwa kong pisngi. That hurts.

"Stop!"

Mas kinabahan ako ng marinig ang boses ni Tyler.

Lumawak ang malademonyong ngiti ni King, "The pretty boy's awake."

Lumapit siya kay Tyler at sinuntok ng malakas sa tiyan. Tyler groaned with pain.

"Let him go!"

King turned around to face me. "What's your deal then?" he raised his eyebrow.

"What do you want?"

"I'll make your life miserable, gaya ng ginawa mo saakin!" tinanggal niya ang mask na soot niya.

Ang kaninang tinatakpan ng mask ay ngayon ay may mahabang peklat.

"Naaalala mo ba ang ginawa mo Gem? Nagmakaawa ako na huwag mong ituloy pero para kang walang narinig. Gamit ang shamshir mo tinapos mo ako at kahit kelan hindi mawala sa mukha ko ang bakas ng ginawa mo! Hindi na ako makapasok sa school dahil sa kahihiyan sa mukha ko. Hindi na ako pwedeng bumalik sa pagiging Harvey Gilbert!" another heat of slapped again.

He's a college student I think, and now I know his name... Harvey Gilbert. He's the famous Harvey Gilbert in social media. He's also a part time model. Because of what I did to his face he can't go back being Harvey. His face is his everything... now it's gone.

"To make your life miserable as mine, the first thing you need to do is never ever see your boyfriend. If ever you see him again, I would never spare his life. I will kill him!"

Academy Magica Colorisحيث تعيش القصص. اكتشف الآن