Chapter 58: Darkness

2.4K 90 2
                                    

3rd Person

Nagulat ang mga Princeps sa natunghayan. Walang malay na si Cassandra ang nasa labas ng cabin. Nakahiga ito, ang pakpak at ang damit na pang bellator ang nagpahanga sa kanila.

Lumabas si Axelle at si Airos upang puntahan si Cassandra.

"She's a Bellator," humahanga na sabi ni Airos.

Nagliwanag si Cassandra at unti- unting bumalik sa dating ayos. Normal na kasuotan at wala ng pakpak ng Bellator. Hindi nagsalita si Axelle, binuhat niya ang dalaga para ipasok sa loob ng cabin. Nang naihiga na ni Axelle si Cassandra ay umupo siya sa kasunod na kama.

"Wala na siyang mga sugat," puna ni Axelle.

"Siguro dahil iyon sa paglabas ng kapangyarihan niya," sagot ni Airos.

"Pero paano ang iba?" nag-aalalang tanong ni Axelle.

"Hindi ko alam, pero gusto kong bumalik doon para mapanood kung ano ng mangyayari sa tatlo."

Tumango si Axelle, "Sige, babantayan ko muna si Cassandra. Bumalik ka na doon."

"Alright," saka umalis si Airos para bumalik sa kwarto ng matandang Videre.

Pagbalik niya sobrang seryoso ng mga mukha ng tatlo na nandoon. Nakatayo si Ashton at Mizu habang ang matandang videre ay nakaupo katapat ng salamin.

"Ano na nangyari?" tanong ni Airos sa kanila.

Hindi sumagot si Ashton at Mizu. Halatang parehas na nag-aalala.

"Huwag kayo mag-alala nasa kuweba sila kung saan hinanda ko para maging Dark room. Illusion lang ang makikita nila doon. Aakalain nilang mag-isa sila sa isang silid na madilim, walang pintuan at bintana, at ang isang minuto dito ay katumbas ng isang araw sa kanila," ang matandang Videre ang sumagot.

"Pero sobrang nanghihina na sila," reklamo ni Mizu.

"Kinakailangan na manghina ang katawan nila para maging epektibo ang illusion na ginawa ko."

Nanahimik ang mga binata, tutok na tutok ang atensyon sa mga dalaga. Nasa magkakaiba silang kuweba kung saan aakalain nilang madilim na silid. Ang salamin na pinanonoodan sa nangyayari sa tatlong dalaga ay nahahati sa tatlong screen.

Nagising na si Via at Yvon habang si Mia ay nanatiling walang malay. Tumayo ang dalawa at parehas na naghanap ng maaring labasan. Lumipas ang isang minuto, doon inakala ng dalawa na isang araw na ang lumipas.

Nakaupo na si Yvon sa isang sulok. Walang ginagawa, nakapikit lamang habang si Via ay palakad-lakad, inuubos ang lakas kakaikot sa buong madilim na silid.

Lumipas ang limang minuto. Si Via ay parang nasisisiraan na.

"Palabasin niyo na ako!" paulit-ulit na sigaw niya.

Ibang iba sa Via na nakasanayan ng lahat. Hindi na siya ang Via na kalmado lang palagi, malambing, palatawa. Ngayon ay kitang-kita na ang galit sa mukha niya.

"Inuubos niya lang ang lakas niya," komento ni Airos.

"Bakit hindi parin nagigising si Mia?" tanong ni Mizu sa matandang Videre.

"Masyadong mahina ang katawan niya."

Sampung minuto na ang nakakalipas, at isang linggo at tatlong araw sa isip ng mga dalaga.

"Parang baliwala lang kay Yvon," sinabi ni Mizu.

Nakaupo parin si Yvon. Nakapikit ang mga mata.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Academy Magica ColorisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon