Chapter 25: Not her

1.2K 48 3
                                    

"Okay ka na ba?" tanong niya saakin ng makarating kami sa parang garden ng palasyo.

Nandito din halos lahat ng mga nauna saamin. Pati yung dalawang kambal ay nandito na kasama pa yung iba. They are already fame to everyone.

"Yup, nanibago lang yung katawan ko."

"Masasanay kadin. Maya maya lang nandyan na si Cassandra," tumingin siya sa paligid namin. "Alam mo bang pangalawang beses pa lang akong nakakapunta sa Kingdom na 'to. Kasi yung una yung elem pa kami. Bihira lang kaming pinapapunta sa mga Kindom, pwera na lang kung Princeps ka lagi ka talagang makakapunta kasi doon nakatira ang mga Princeps eh."

Ang tagal naman ni Cass?

"Kaya ang swerte talaga ng mga princeps kasi nakatira sila sa mga Kingdom. Tapos yung mga ordinaryong wizards sa labas lang ng Kingdom."

Nakita ko na si Cass na naglalakad na papunta saamin. Halatang mahilo-hilo pa.

"Kaya ang swerte ng mga ordinaryong wizards na nakatakdang maging asawa ng Princeps o kaya ng hari."

Malapit na si Cass sa pwesto namin. Wala siyang kasabay, baka nag hiwalay na sila ni Axelle nung pagkadating nila dito.

"Ikaw gusto mo ba maging asawa ng magiging hari ng ibang Kingdom... ay baka ikaw pala ang nawawalang Princeps kaya di mo na kailangan mag hangad na ipaka... nakikinig ka ba Yvon?!"

Napatingin naman ako sa katabi ko.

"Huh?"

"Kanina pa ko daldal ng daldal tapos di mo pala ako pinakikinggan... haist," she rolled her eyes.

Tsk! Sa daldal niya malamang kahit ayoko pakinggan talagang maririnig ko sinasabi niya.

"Nakikinig yan wag ka mag alala," Cass told her.

"Weh? Para kasing wala akong kausap," kinamot pa niya yung ulo niya.

"Nakikinig yan kahit ayaw niya. Wag ka lang umasa na sasagot siya sa kwento mo..." lumapit siya kay Yen, "Minsanan lang sumagot yan," tumango tango pa siya.

Napailing ako sa dalawa. Sumasakit ulo ko sakanila. Pero mas sasakit panigurado ulo ko pag nandito si Kaye.

Ilang minuto lang ay kumpleto na kami. Bumukas ang malaking gate na gawa sa tubig. Dumating ang isang lalaking parang pang Butler ang soot.

"Welcome to the Aqua Kingdom wizards and witch. The king and queen are waiting inside the castle. Please follow me..."

Gaya ng sinabi niya ay sumunod kami. Pagbukas ng malaking pintuan ay nag tataasang kisame ang bumungad saamin. Blue and green ang kulay ng paligid at may mga alon ng tubig ang pader.

Isang napakagandang babae ang una kong nakita. Kulay gold... gold? Oo kulay gold ang mata niya. Ang buhok niya ay brown na hinaluan ng kulay ginto. Bumagay ang berdeng gown sa puti ng kanyang balat. Nang tumayo siya ay doon ko lang napansin ang katabi niya. Lalaking sobrang gwapo. Ang buhok ay itim na hinaluan ng green at ang mata niya ay kulay asul. Hindi siya sobrang puti, katamtaman lang. Matangkad din siya... kasing tangkad niya si Mizu at Ashton.

Teka bakit ko ba inihahalintulad sa kanila?

Nakatayo silang dalawa sa harapan. Ngumiti ang babae, habang ang lalaki ay nanatiling seryoso ang ekspresyon.

"Welcome to our kingdom chosen Wizards and Witches of Academy Magica Coloris" the guy greeted... King Maxon ang tawag sabi nila.

"We will make sure that you'll all enjoy your vacation to our kingdom. Pero bago muna ang lahat your room is ready. Mag ayos muna kayo at mag pahinga bago namin sabihin ang gagawin niyo dito," tinawag ni Queen Corneah yung isang babae, may sinabi siya dito.

Academy Magica ColorisWhere stories live. Discover now