Chapter 39: Broken Angel

1.1K 48 3
                                    

"I know this training wouldn't be simple. Ang pagpunta niyo pa lang sa Elemental mountain ay delikado na," tumingin sa part namin si Ashley.

"Bago niyo marating ang Elemental mountain ay haharap na kayo sa isang malaking pagsubok. Ang Passage forest na dadaanan niyo ay pinalilibutan ng Dark spirits and spells, hindi din gagana ang mga Elemental powers ng mga princeps, at hindi din gagana ang powers ng may dugong White Wizards. Sa daan na iyon ay para kayong magiging mortal na tao. Walang kapangyarihan, tanging lakas ng loob at tatag ng isipan ang madadala niyo. Kaya hanggang maaari ay linisin niyo ang puso niyo, dahil mas madaling madikitan ng Dark magic ang may galit sa puso. Kapag nakarating na kayo sa gitna ng Elemental mountain ay doon niyo matatagpuan ang bahay ng isang Videre at siya din ang pinakamatandang Wizard sa buong Magica Mundi. Siya ang huhubog at sasanay sainyo."

Nandito kaming walo sa office ni Ashley. Pagkatapos ng meeting kanina sa main hall ay pinapunta niya kami.

"You need to survive the Passage forest para marating niyo ang bahay ni lolo Alejandro, at kinakailangan niyong magawa ang tungkulin niyo sa pagsasanay. Kaya ngayon ay bumalik na kayo sa mga dorm room niyo para makapaghanda ng dadalhin at makapagpahinga dahil five am kailangan ay nasa labas na kayo ng gate ng AMC."

Walang nagsalita saamin kahit isa, lahat ay may sariling iniisip. Tumayo kami at tahimik na lumabas ng office niya. Sobrang imposible ang pinagagawa ni Princeps Mitchie.

Paano namin maipalalabas ang kapangyarihan namin? Eh wala naman kaming ganon.

Paano kami magkakaroon ng powers at magica? Hindi kami pwedeng madrop sa school na 'to, hindi pa hanggat hindi pa namin nahahanap kung sino ang pumatay sa mga magulang namin. Hindi pa hanggang... hindi ko pa nalalaman kung sino ba talaga ako.

Pagbalik namin ng dorm room ay nandoon na si Kaye na nakasalampak sa sofa.

"This is impossible!" sigaw niya ng dumaan kami sa sala.

"Paano magkakaroon ng himala para lang magkaroon tayo ng powers, magica, element, at dugo ng Wizard? Grrr! Yung matandang babae na 'yon!"

"Ang problema pa namin paano malalampasan ang Passage me forest kung may galit kami sa puso? Baka sapian kami ng mga kung anong engkanto doon," napangiwi si Cass bago pinihit ang doorknob ng kwarto niya saka nanghihinang binuksan at sinarado.

"No way! Iiwan niyo talaga ako dito ng one month? Hindi ko kaya 'yon! Wala din akong makakausap na iba. Mamatay ako dahil sa kabaliwan!" pinaghahampas ni Kaye ang unan.

"Nandyan si Yen..." wala sa sariling sagot ko, "Magkakasundo naman kayo."

Bago ko pa maisara ang pintuan ng kwarto ko ay narinig ko ang matinis na boses niya dahil sa pagsigaw.

"Sila Jiyeon din!"

Napailing ako sa kahibangan niya saka tuluyang isinara ang pinto. Ano ng gagawin ko? Wala akong gana mag ayos ng dadalhin. Binuksan ko ang cabinet at tumunganga lang sa mga nakasampay na damit pati na din ang mga damit na nakatiklop ng maayos.

Gaano ba karaming damit ang kakailanganin ko? Anong klaseng lugar ba ang meron doon? Maleta ba o isang bag lang ang kailangan ko?

Shit! I'm too clueless.

Naramdaman ko ang presensya sa likod ko kung saan bukas ang glass door ng terrace.

"One back pack is all you needed."

I turned around to face Ashton. Naka-upo siya sa rehas ng balkunahe. Paano siya nakapunta diyan?

Don't tell me?...

Oh God! Mabilis akong naglakad papunta sa pwesto niya at sumilip sa ibabang part ng terrace.

"Don't tell me your dorm room..." tinuro ko ang nasa ibaba ng kwarto ko.

Academy Magica ColorisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon