Chapter 84: Member

2.1K 69 3
                                    

"Ang ganda ng bahay niyo Yvon!" compliment ni Airos.

"Saan ang kwarto namin?" tanong ni Axelle.

"Third floor, lahat ng kwarto doon pwede niyong gamitin. Mamili na lang kayo," si Cass ang sumagot.

Tahimik akong umakyat papuntang fourth floor para pumunta sa kwarto ko. Dadating at dadating talaga sa punto na babalik lahat ng sakit. Akala ko noon ay kinakaya ko na, tinalikuran ko lang pala ang lahat para mamanhid ang nararamdaman kong sakit. Ngayon ay bumalik na ako sa mga bagay na magpapaalala ng lahat at hindi ko na pwedeng talikuran pa ulit.

Ang kwarto ko ay hindi nagbago ang itsura gaya ng iniwan ko ng umalis kami para pumunta sa Magica Mundi. Ang misyon lang namin noon ay mahanap kung sino ang pumatay sa mga magulang namin, pero ngayong nahanap na namin, panibagong kasagutan naman ang kailangan kong matuklasan.

Madaling araw na kami nakatadating kaya nagsitulugan na malamang ang mga kasama ko. Habang ako ay nanatiling gising dahil hindi ko magawang makatulog.

Kaya kinaumagahan ay halatang-halata sa mata ko ang wala pang tulog. Sa dining area namin ay nakahain na ang almusal. Nandoon nadin silang lahat pwera lang kay Ashton. Asan 'yon?

"Good morning Yvon! Kain ka na, ako ang nagluto niyan," bati ni Airos saakin.

"Hoy! Anong ikaw ang nagluto, ang niluto mo lang ay yung itlog. Nasunog pa!" umagang-umaga ay nag-uumpisa na naman magbangayan si Kaye at Airos.

"Wala naman kasi akong alam sa pagluluto, saamin may taga luto na at madalas may pagkain na sa school natin. Mabuti nga tinulungan kita," sagot ni Airos sa kanya.

Tahimik akong umupo sa tabi ni Cass. Pang twelve ang upuan, pero noon seven lang ang nauupuan. Eight kami sa pamilya kasama na si Lucas doon, pero madalas kasi sa Institution siya nagstay. May penthouse na kasi siya sa pinakataas ng building kung saan din ang office ng President ng White Warrior at dahil ayaw ni dad mag stay doon siya na lang ang madalas na nandoon.

"Yvon, nakatulog ka ba?" tanong ni Mizu saakin, malamang ay napuna ang itsura ng mata ko na wala pang tulog.

Ramdam na ramdam ko din ang pagtitig ni Tyle saakin, na napansin din malamang ang mata ko.

Umiling lang ako bilang sagot, saka kumuha ng fried rice, bacon, and egg.

"Yvon hindi mo ba kami pwedeng ipasyal dito?" tanong ni Axelle na kabababa lang ng iniinom na kape.

"I can't," maiksing sagot ko.

"Pwede naman tayo mamasyal ngayon Yvon ah? Ngayong araw lang naman," Cass said.

Tiningnan ko siya. "Pupunta ako ngayon sa WW Institution. May importante pa akong aasikasuhin doon."

Nalungkot naman ang mukha ni Airos at Axelle sa sinabi ko. Halatang gustong-gusto nila mamasyal sa mundo namin.

"Pwede naman kayo na lang," tiningnan ko si Kaye. "Samahan mo sila."

A wide smile escaped from their face.

"Sige, sasamahan na lang kita Yvon," Cass said.

"No, sumama ka na din sa kanila," halata naman sa kanya na gusto niya din umalis.

"Eh sino ang kasama mo?" Cass asked.

"Me," boses ni Ashton na kababa lang.

Tumingin silang lahat sa kanya.

"No, ako na ang sasama sa kanya. Para makapamasyal ka na din," binaba ni Tyle ang kutsara niya.

Nalipat ang tingin ng lahat sa kanya.

Academy Magica ColorisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon