Chapter 44: Bloody Hands

1K 43 0
                                    

Halos malaglag sa kamay ko ang equipment na hawak ko.

"No one can do this except me," dahil kung hindi marunong ang gagawa baka kung ano pa ang mangyari kay Cass.

"I can do it..." biglang sinabi ni Axelle, "I can do it Yvon, so trust me," he assured me.

Trust.

Binitawan niya si Via at sinandal sa pader. Lumapit siya saakin saka kinuha ang mga hawak ko. He wear the gloves and start the procedure. Inuna niya ang nasa ulo ni Cass, masyadong malalim ang sugat na nandoon.

"Ang hirap pala kung walang healing powers," si Airos ang bumasag sa katahimikan.

Lahat kami ay nakatuon ang atensyon kay Axelle. He's calm, so much calm. Hindi mabilis at hindi mabagal, tama lang. Saan niya natutunan 'to? Kaya lang naman ako marunong ay dahil tinuruan kami para kung may mangyaring masama saamin sa gitna ng laban ay kaya namin gamutin ang sarili namin. Kahit si Kaye at Cass ay marunong din.

Lalo na dahil kung tinamaan kami ng bala hindi kami pwedeng dumiretsyo sa hospital. May sarili kaming hospital sa institution pero kapag masyadong malayo ay mismong sa sasakyan namin ginagawa ang pagtanggal ng bala sa katawan namin pati nadin ang pagsarado sa sugat na natamo.

Sinunod ni Axelle ang sugat sa balikat ni Cass, at ang mga maliliit na sugat ay nilinis niya lang. Pagkatapos niyang takpan ng mga bandage pati ang nasa noo ni Cass ay saka siya napaupo sa lapag. Pinunanasan niya ang pawis sa noo niya.

"This time I saved her," he said and he can't help to smile.

Unti-unting dumilat si Cass.

"Hey," I waved my hand infront of her face. Hinawakan niya ito at inalis.

"Ang tagal niyo," she's weak pero nakuha niya pang magtaray.

"You owe me one," Axelle said.

"You..." nanghihinang sinabi ni Cass, "I hate you."

Tinawanan lang siya ni Axelle.

"Guys magdidilim na," Via said while leaning against the rock wall.

Tama siya, malapit ng lumubog ang araw.

"I'll carry her, pakialalayan na lang si Via," said Axelle, and scooped Cass to his arm.

"O my!" mahina pero bakas ang gulat sa boses ni Cass ng binuhat siya ni Axelle.

"Guys... there's another problem," nakatingin si Airos sa likuran namin ni Axelle.

Unti unti kaming lumingon at doon ko nakita ang isang cobra. Sa sobrang lapit na nito saamin ay naitulak ko palayo si Axelle para hindi sila matuklaw.

Mabilis kong sabay na nakuha ang dalawa kong anklet knife and slide the knife right side to the body of the snake. Tinamaan nito ang cobra pero not enough para mamatay. Mas lumaki ito, not an ordinary snake. May halong itim na elemento.

"There's more problem," Airos informed us again.

Naramdaman ko ang mas marami pang ahas sa paligid. Their sound surrounded in the cave. Isa ang natanaw kong rattle snake pero gaya ng cobra na nasa harapan ko ay hindi iyon ordinaryo.

Hindi kami makakalabas dahil nakaharang ang mga ahas palabas ng kuweba. Mas madami na sila ngayon.

Naramdaman ko ang pag-atake ng cobra na nasa harapan ko kaya yumuko ako saka itinaas ang kanan kong kamay kung saan hawak ko ang isang anklet knife. Bumaon ito sa bandang baba ng panuklaw niya saka ko binaba ang kutsilyo pababa ng nakabaon. The blood splashed to my face and body.

Bumagsak ang katawan nito sa sahig. Paglingon ko sa likuran ko doon ko nakita kung paano nila kalabanin ang mga Dark Element snakes. Si Axelle ay buhat padin si Cass, tinatakpan sila ni Airos na hawak ang katana ni Cass. He's protecting the two. Marunong siya dahil kitang-kita ko kung paano niya gamitin ang katana ni Cass. Habang sa bandang kaliwa ko ay si Via na alalay ni Mia sa kanyang balikat at si Via ang nakikipaglabanan sa atake ng ahas. Seeing them is like seeing a twin body na ang isa ang nagkokontrol sa tayo at ang isa ang nagsisilbing kamay para lumaban.

Sa sulok ay doon ko nakita si Ashton fighting with the two Dark Elemental snake. Covering Mizu's body. Nasa sulok ang katawan niya at wala pading malay. Kaya ginagawa ni Ashton ang lahat para hindi makalapit ang mga Dark Elemental snake dito. He doesn't hold any weapon. His speed is faster than normal. His moves is unbelievable, para siyang fighter, para siyang lumalaban sa underground. Umikot siya at mabilis nahawakan sa leeg ang ahas. He twisted it saka tumalsik ang dugo nito. The fuck! Umataki ang isa at nagawa niyang gamitin ang kaliwa niyang kamay para mahawakan sa ulo ang ahas. Medyo nahirapan siya doon pero nagawa niyang bitawan ang nasa kanan niya at ilipat sa kaliwa ang nagwawalang sawa. Hinagis niya yon ng malakas kaya tumalsik ito, tumama sa mabatong pader. Bumagsak ng dahan-dahan sa sahig at duguan ang katawan.

Panibagong Dark Elemental snake ang dumating sa pwesto niya. Sumulyap siya sa kamay niya, doon ko nakita ang ilang sugat. Hinagis ko ang anklet knife ko sa katawan ng ahas. Bumaon ito pero hindi pa sapat. He glanced at me saka hinugot ang knife sa katawan. Palapit na ito sa kanya kaya ng ihagis niya ang knife tumama ito sa mata ng ahas. Nabulag ang isang mata nito. Pag-ikot ng katawan ng ahas sakto sa pwesto ko ay hinagis ko pa ang isang knife sa kabilang mata niya para tuluyan na itong mabulag. Sa likod ni Ashton ay ang mas malaki pang ahas... damn it! Anaconda iyon.

Hindi siya nakagalaw agad. Kinuha ko ang nakalagay sa loob ng thigh bag na nakakabit sa hita ko. Tatlong shuriken ang hinagis ko ng sabay-sabay.

"Kneel!" I shouted.

He did what I said. Mabilis na lumipad ang shuriken sa way nila... bumaon sa katawan ng Anaconda. Ang isa ay sa mata nito, ang dalawa ay sa katawan. Pero kulang pa ang tatlong shuriken para mapatay. Ito ang mahirap kung walang mahabang blade weapon. Kumuha pa ako ng panibagon shuriken, tatlong sabay sabay kong inihagis. Hindi pa nakararating sa katawan niya ay mabilis kong pinalipad pa ang dalawang shuriken. Sa pagtama ng mga ito sa katawan ng anaconda ay halos magkabutas butas ang balat nito. But still not enough.

"Yvon," mahinang tawag saakin ni Cass.

Nilingon ko siya, she throw the dagger from her waist, when I catch it I threw it again to Ashton. He catch it at siya ang nakipaglaban sa atake ng Anaconda. Habang nakikipaglaban siya ay kinuha ko yung whip sa weapon bag kong nakalagay sa bukas na bag ko na nakasalampak sa sahig.

Inikot ko ito. Then swish through the Anaconda, and when it twist around the Anaconda's body... I ripped the half of it's body using the whip. Ang dagger na naka slice sa upper body at ang kalahating part na bumagsak dahil sa pagkakahila ko ng whip pabalik saakin.

Just like me, the blood from the Anaconda was all over to him.

Natapos nadin ni Via ang limang Dark Elemental snakes at si Airos ay naubatan ko pa kung paano niya gamitin ang katana sa buong katawan ng umaatake sa kanila. The blade of the katana was covered with red color because of the blood.

"It's done right?" tanong ni Airos while gasping... needing of air to breathe.

"I hope so," Via replied na halos bumagsak na, buti na lang ay nakaalalay sa kanya si Mia.

"I want to rest right now, pero ang mag stay dito hindi na lang," sabi ni Airos.

"Umalis na tayo bago pa may dumating, saka wala na namang malay si Cassandra," inayos ni Axelle ang pagkakabuhat kay Cass.

Lumapit si Airos kay Mizu, tinulangan naman siya ni Ashton isampa sa likuran niya ang walang malay na si Mizu.

Habang si Mia ay inalalayan parin si Via palabas ng kuweba. Sumunod si Axelle na bitbit si Cass at sumunod si Airos na pasan si Mizu. Sumunod ako sa kanila, saka ko lang napansin na kasabay ko na si Ashton maglakad.

I secretly look at his bloody hands. Marami ang sugat doon, kahit naliligo ang kamay niya sa dugo from the Dark Element snake ay halata padin kung nasaan ang mga sugat niya doon. Bumaling siya saakin kaya agad kong iniwas ang tingin ko.

"Gusto ko ng magpahinga," nanghihinang si Airos.

I also want to.

Academy Magica ColorisWo Geschichten leben. Entdecke jetzt