Chapter 76: Winter

2.4K 72 0
                                    

"Kelan ba siya magigising?"

"Mukha bang alam ko?"

"Oo mukhang alam mo naman ang lahat."

"Nag uumpisa ka na naman ng gulo?"

"Ikaw kaya ang nag-uumpisa palagi."

"Manahimik nga kayong dalawa!"

"Wag kang sumigaw natutulog ako eh!"

"Pumunta ka lang dito para matulog?"

"Ano naman gagawin ko? Kapag gising ako wala kang ibang ginawa kundi magtaray."

"Tss, will the four of you shut up?! It's better that you all didn't come here."

Dahan dahan kong idinilat ang mata ko. Kulay blue and red ang ceiling. Nasaan ako?

"Gising na si Yvon!" matinis na boses ni Kaye ang gumising ng tuluyan saakin.

Inikot ko ang paningin ko para makita kung sino ang mga nasa paligid. Nahirapan pa akong mag-adjust sa liwanag.

Naka-upo sa sofa si Yen, Mizu, at Axelle. Kumaway si Yen, si Mizu naman ay ngumiti, at si Axelle ay ganon din. Sa harap ng kama ko nakatayo si Cass at Airos, habang sa tabi ko ay ang nakaupong si Kaye.

"Nasaan ako?" nahirapan pa akong hugutin ang boses ko.

"Nasa Ignis kingdom ka Yvon," sagot ni Cass.

Ignis Kingdom? Bakit ako nandito? Bago ko pa masagot ang tanong na iyon ay nakita ko si Ashton na nakasandal sa bukana ng pinto. Seryoso ang mukha niya, pinanood lang ako.

"Ilang oras akong walang malay?" o ilang araw?

Hindi agad sila nakasagot sa tanong ko. Nagkatinginan pa sila sa isa't isa. May mali ba sa tinanong ko?

"Guys?" I tried to called their attention.

"You've been sleeping for exactly four months," si Ashton ang sumagot.

Four months? Four months! I have been asleep for four fucking months?

Napabangon ako ng wala sa oras. Ouch. My head is throbbing.

"Easy Yvon," inalalayan ako ni Mizu na ngayon ay nasa tabi na ni Kaye.

"What happened? Bakit ganon katagal akong nakatulog?"

"Hindi ka lang natutulog Yvon, nawalan ka ng buhay. One of the student of Tenebris academy pulled out your heart," paliwanag ni Airos.

"It's Jace, his ability is intangibility and also he's a healer. Kaya nagawa niyang hawakan ang puso ko," I told them. "Pero bakit ang tagal ko bago magising?"

"You just not died, nawalan ka ng puso. You're lucky dahil may apat na buhay ka Yvon. Pero dahil nga nawala ang puso mo natagalan ka sa paggising. Kailangan pang magkaroon ka ulit ng panibago, at iyon ang nagpatagal dahil matagal bago mabuo yan," tinuro ni Kaye ang dibdib ko kung saan matatagpuan ang puso ko.

"Kaya ingatan mo na ang buhay mo, dahil kapag namatay ka na naman imposible ka ng mabuhay dahil ang natitirang pag-asa mo na lang ay si Mare. Alam nating lahat na imposible na 'yon dahil nasa Tenebris na siya," Cass said.

"Anong nangyari sa blood moon?" I asked them.

"Natuloy padin ang laban. Malalakas ang mga Tenebris, pero nagawa naman naming talunin. May mga nasugatan pero wala namang namatay saatin. Umatras ang mga Tenebris kaya natigil ang laban," Yen said.

Kung four months na ang nakakalipas ibigsabihin... "Jan 1 na ngayon?"

"Yup, and it's Ash' birthday," pumalakpak pa si Airos.

Academy Magica ColorisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon