Chapter 52: Videre

1K 41 0
                                    

The bright light from the sun, wooden ceiling, wooden window, and fresh air. Iyan ang sumalubong saakin ng magising ako. Ang hinihigaan ko ay matigas, gawa sa kawayan. Tanging unan na puti lang ang malambot. The room is not that big pero nagkasya ang apat na papag. Ang higaan na gawa sa kawayan ay pangdalawahang tao.

I saw all of their bags are under each bed. Even the male's back pack. So this room is our room. Malinis na puting bestida ang soot ko. There are still bandages on my body. It's not healing. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking daliri saka umalis sa pagkakaupo sa papag. Ako lang ang nadito sa kwarto pero naririnig ko ang ilang boses galing sa labas ng bintana. Pumunta ako doon at sumilip sa bintanang nakabukas.

Nasa bandang malayo sila, may hawak na wooden sword si Airos at Axelle. Parang bata na nagrereklamo si Airos kada natatamaan siya ng wooden sword, tinatawanan lang naman siya ni Axelle. Habang si Mia ay katabi si Cass, parehas silang nakatayo na nakaharap sa shooting board. Tinuturuan ni Cass si Mia kung papaano gumamit ng shuriken.

Cass is totally healed unlike me, I can't move my right shoulder properly, I can't walk straight, at para akong may stiff neck dahil sa cut na nasa leeg ko.

Habang si Via at Mizu ay naglalaban ng walang gamit na kahit anong weapon. Mabilis si Via at ganon din si Mizu, halos parehas lang ang lakas nila. Ang mga galaw nila ay nagpapaalala saakin kung papaano lumaban sa underground, lalo na dahil sa mga galaw ni Mizu. Para siyang nasa loob ng Fighting Arena... Ang Fighting Arena kung saan pinalilibutan ng mga rehas. Ang mga taong nanonood ay nasa labas ng rehas na nakaupo sa taas at natatanaw ang naglalaban na nasa bandang baba. Ang mga kalahok sa laban ay nasa labas katapat ang nasa gitnang battle ground. Makakabalik pa ba ako sa loob ng battle ground na pinalilibutan ng rehas? Maririnig ko pa ba ang mga malalakas na cheer ng mga nanonood?

Natanaw ko sa mas malayo si Ashton, nagsasanay siya mag-isa gamit ang dalawang spear point knife. Mabilis ang mga kamay niya, akala ko noon puro paggamit lang ng Element ang kaya ng mga gaya nila, hindi ko inaasahan na marunong din sila gumamit ng mga weapon at magaling sila sa combat.

"Gusto mo na ba magsanay katulad nila?"

Hindi ko naramdaman na nasa tabi ko na pala ang matanda. Masyadong lumililipad ang isipan ko.

"Ilang araw akong tulog?"

"Limang araw, hindi gumagaling ang sugat mo dahil wala kang malay. Nalaman ko na hindi gumagaling ang mga sugat mo kahit gamitin pa ang healing powers ng iba."

Limang araw ang nasayang ko.

"Gusto mong makilala kung sino ka," we are both staring outside the window.

I don't know how did he knew what I want. Kaya niya bang magbasa ng isip ng iba? Maybe.

"I'm Yvon," hinahangin ang buhok ko dahil sa malamig na hangin na nanggagaling sa labas.

"Sigurado ka ba?"

His voice is big but calm. Katulad ng lugar na tinitirihan niya.

"Do you know who I am?"

Gusto kong matawa sa kabaliwan ko. Bakit ko ba tinatanong ang matandang nakatira sa lugar na walang ibang tao kung hindi siya lamang.

"Ikaw si Yvon... iyan ang sabi mo."

He's right, I'm Yvon.

"Nararamdaman mo ba mismo sa puso mo na ikaw ang babaeng kinalakihan mo?"

The question he just asked right now makes my mind shuffle. Kaya ayokong kumakausap ng mga matatanda, masyadong malalim ang mga ibigsabihin ng sinasabi.

"If I'm not the girl I knew, then who?"

"Alam mo bang halos limang daang taon na akong nabubuhay?" he changed the topic, or it's still connected?

"You're immortal," I guessed.

He laughed, napakalaki ng boses niya sa pagtawa niya.

"Hindi ako isang immortal, isa akong Videre. Isa din akong Wizard. Pero dahil sa lugar na ito ay pinatatagal ang pagtanda ko. Alam mo ba kung bakit ito tinawag na Elemental mountain?"

Hindi ko na iyan sinama sa dapat aralin.

"Ang lugar na ito ay ang kaharian ng mga Goddess at Gods ilang milyong taon na ang nakakalipas. Nang nawala sila ay naglaho din ang kaharian na nakatayo sa bundok na ito. Punong puno ng magica, at elemento ang buong bundok. Kaya kayo dito pinagsanay ay dahil dito niyo makukuha ang kalakasan ng mga kapangyarihan na mayroon kayo. Kung ang Passage forest na pinanggalingan niyo ay nagkalat ang enerhiya ng itim na elemento sa lugar namang ito ay enerhiya ng itim at puting elemento. Pinaghalong elemento ngunit bihira lang ang nakakapasok dahil sa daang pinanggalingan niyo."

I felt his gazed turn to me, "Tandaan mo, huwag mo hahayaang lamunin ng kadiliman ang puso mo."

Kinilabutan ako sa sinabi ni Lolo Alejandro. Iyan din ang sinabi ng isang Videre saakin nung unang araw ko sa Magica Mundi.

"Kilala mo ako, alam mo kung sino ako... hindi ba?" I asked him, that's what I thought. He knew who the girl she's talking to.

"Ang babaeng kinakausap ko ngayon... hindi ko siya kilala," sumeryoso ang mukha niya.

"Kailangan mong matuklasan kung sino ka. Ikaw mismo ang kailangan makaalam, bago ka pa maunahan ng kadiliman."

Lumingon ako sa kanya. Pero wala na siya sa tabi ko. Anong sinasabi niya? Bago ako maunahan ng kadiliman? Hindi ko maintindihan.

"Yvon, gising na si Yvon!" kumaway- kaway si Mizu saakin.

Napansin niya pala ang pagtayo ko sa harap ng bintana. Ngumiti si Cass ng nakita ako. Kumaway-kaway din si Axelle. Habang si Mizu ay ngumiti saka ako tinawag para makisali sa kanila.

Tumalikod ako saka naglakad palabas ng kwarto. Isang mahabang lamesa ang nasa tapat ng kwartong pinaglabasan ko. May sampung upuan, at isang basket ng mga prutas. Sa tapat ko ay isang pintuan pa sa tingin ko ay isa pang silid. Sa dulo ay ang isang pintuan. Siguro ay ang banyo. Sa tabi non ay ang lababo at isang maliit na lutuan. Bukod sa mga iyon ay wala na akong ibang makita. Sino ang makakatagal sa ganitong bahay?

Lumabas ako sa pintuan na nakabukas na, isang balkunahe na gawa sa kahoy ang nilabasan galing sa loob. Sa gilid nito ay ang hagdanan pababa. Pagkababa ko ay naglakad ako papunta sa kanila.

"Buti naman at nagising ka na Yvon!" si Airos ang unang sumalubong saakin.

I put my hands on the both side of my hips.

"Anong ginagawa niyo?" wala na kasi akong ibang maisip sabihin kaya pati ang obvious na bagay ay itinanong ko.

"Nag tretraining lang, wala pa kasi saamin pinagagawa si Lolo Alejandro, sinabi niya na gawin muna namin ang gusto namin habang wala ka pang malay," si Cass ang sumagot.

"Tara magpahinga muna tayo at marami pa tayong ikwekwento kay Yvon," sabi ni Airos saka ako hinatak paupo sa damuhan.

Sumunod ang iba at umupo gaya ng ginawa namin ni Airos. What the hell is with them?

"Ash, tama na muna 'yan!" sigaw ni Axelle kay Ashton na nasa dulo ng bundok kung saan hindi ko alam kung ano ang nasa baba kapag nahulog.

Hindi sumagot si Ashton, hindi niya din kami tiningnan. Nagpatuloy lang siya sa ginagawa niya.

"Hayaan na natin siya, tayo na lang muna," Airos said and smiled at us.

Academy Magica ColorisWhere stories live. Discover now