Chapter 70: Stupid Name

2.2K 73 1
                                    

Ngayon naman ay Freshmen na ang maglalaban. Lumapit si Airos saamin.

"Hi Yvon!" bati niya saakin.

Tumango naman ako sa kanya.

"Birthday boy wag mo kalimutan yung deal ah," he said to Mizu.

"Oo, sige na bumalik ka na doon. Mag-uumpisa na," tinulak siya ng mahina ni Mizu paalis.

Hindi naman siya nagpatulak. Tumingin siya saamin ni Cass. "Sali kayo sa deal?"

"What deal?" tanong ni Cass sa kanya.

"One shot, one kill."

"What?" naguguluhang tanong ni Cass sa sinabi ni Airos na mukhang sila lang ang nakakaintindi.

"Isang bagsakan lang ng powers dapat mapabagsak na namin yung kalaban. Kapag hindi nagawa syempre may dare na hindi kanais-nais."

Umiling ako sa trip nitong mga lalaki na 'to.

"Dali na kasama naman si... Ash eh," pangungulit ni Airos.

Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa lakas ng boses niya na halos lahat napatingin saamin, kasama na si Ashton doon.

"We don't like so shu shu!" gamit ang paa tinulak-tulak ni Cass si Airos palayo.

"Bahala kayo! Enjoy pa naman ang laro namin," pahabol ni Airos kahit nasa malayo na.

Umilaw ang pangalan ni Axelle at Taki.

"Oh ow! Remember the one shot one kill Axe," sabay na sigaw ni Mizu at Airos ng nakita kung sino ang makakalaban ni Axelle.

Ang girlfriend ni Axelle na hindi ko naman nakikita na lagi niyang kasama. May times na nakikita ko sila pero sobrang bihira lang.

Axelle raised his middle finger as a reply for these two crazy friend of him. Nang nasa gitna na silang dalawa ay nag bow sila sa isa't isa. Lahat ay tutok na tutok sa mangayayari sa dalawa.

First time ata toh.

Pumikit si Axelle, kasabay ng pagpikit niya ang paglaho ni Taki, pero nanatiling nakalutang ang damit. Bago pa siya tuluyang maging invisible nilamon na siya ng lupang tinatayuan niya. Saka nagsarado ang lupa.

Natigil ang lahat dahil sa bilis ng pangyayari, ni hindi na pinatagal ni Axelle ang laban.

Bumalik si Axelle sa pwesto niya na katabi si Mizu.

"Nilibing mo ng buhay ang girlfriend mo Axe?" pang-aasar sa kanya ni Mizu.

"Shut up," sinamaan niya ng tingin si Axelle.

Tinawanan lang naman siya ni Mizu at ni Airos na nasa tabi ni Ashton.

Sunod na maglalaban ay si Mizu at Cass.

"Don't you dare do that one shot one kill game," pagbabanta ni Cass kay Mizu bago sila pumunta sa loob ng Battle field.

"Go Cass!" malakas na sigaw ni Kaye na nakapwesto sa mga grade 11.

Rinig na rinig ang sigaw niya dahil sa tahimik ng paligid. Tumayo naman si Airos.

"Go Mizu!" sigaw niya at tiningnan si Kaye na nahalatang inaasar niya lang.

Inirapan siya ni Kaye. "Go Cassy!"

"Go Mizy!" pangagaya ni Airos.

"Airos shut up, kelan pa naging Mizy si Mizu?" tanong ni Ashton sa kanya.

He shrugged. "Ngayon lang."

Bumalik sa pagkakaupo si Airos ng nagbow na sa isa't isa ang dalawa.

Academy Magica ColorisKde žijí příběhy. Začni objevovat