Chapter 77: Finally found him

924 37 0
                                    

Ang grand ball ay ginanap sa main hall. The place is surrounded by magical element. There's a rainbow pixies above. Dahil masquerade ang theme ng party ay syempre lahat kami naka mascara.

Kapag pumasok ay babanggitin pa ang pangalan bago bumaba ng hagdanan na ginawa para sa elegant entrance na gusto nila.

"Invitation?" nilahad ng isang Praeceptor ang kamay niya.

Inabot ko naman sa kanya ang white envelope kung saan nakalagay ang pangalan ko sa invitation.

Nakapila kami ngayon sa bukana bago bumaba sa hagdanan.

"Princeps of the Aeris Kingdom. Princeps Airos Ezio Sandoval, the Air Elemental holder," pagkabanggit ng malakas sa pangalan ni Airos ay pumwesto siya sa gitna para mapicturan, saka dahan dahang bumaba ng hagdanan.

Feel na feel niya pa ah.

"Princeps of the Ignis kingdom. Princeps Mizu Dominic Ville, the Ice manipulator."

"Princeps of the Terra kingdom. Princeps Axelle Pearce Fiel, the Earth Elemental holder."

"Fierce, akala ko hindi ka dadating?"

Napakapit ako sa rehas ng hagdanan kung saan kami nakapila dahil sa pagkirot ng ulo ko. Saan nanggaling ang boses na 'yon? Bakit parang kaboses ko?

"Wala akong magawa saamin, saka mas gusto ko dito," boses ng lalaki naman ngayon ang naririnig ko sa aking isipan.

Napakapit ako ng mahigpit pa lalo dahil sa sakit.

"Gusto mo lang ako makita," may pangaasar sa boses ng babaeng kaboses ko.

"Yvon, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Yen.

Pinikit ko ng mariin ang mata ko, wala ng boses.

"Sumakit lang ulo ko," hindi ko na sinabi sa kanya ang totoo.

"Tama ata si Princeps Ignis, dapat hindi ka na namin pinapunta dito. Kababalik lang ng buhay mo," Yen is worried.

"Okay lang ako, sumakit lang ng konti," I assured her.

Pinanood ko na lang ang pagbaba sa hagdanan ni Axelle. Bakit ng narinig ko ang pangalan niyang Pearce may kung anong boses ang pumasok sa isipan ko? Fierce? Sino si Fierce? At sino yung kaboses kong babae?

"Princeps of the Aeris Kingdom. Princeps Aris Sandoval, the Metal manipulator together with Lady Im Jiyeon, the Gravity manipulator," magkasabay si Jiyeon at Aris.

"Nasaan nga pala si Kaye?" tanong ko kay Cass at Yen.

"Sabi niya mauuna na daw siya dito," Cass said.

"Princeps of the Terra kingdom. Princeps Kris Fiel, the Sand manipulator... together with Lady Kaye Mayumi San Agustin, the bellator," dahilan ng pagkakabigla naming tatlo.

"Kaya pala siya nauna na, may kapartner siya," hindi makapaniwalang si Cass.

"From the William Family, Lord Reo William, the Energy manipulator. With him is the Nature manipulator, from the Grey family, Lady Miles Grey."

"Bakit binabanggit pa ang mga family na pinanggalingan nila?" tanong ni Cass.

"Sila kasi yung mga pamilya na may matataas na katungkulan sa mundo natin. Kung ang mga Princeps ang pinakamataas sila naman ang nasa pangalawang ranggo," Yen explained.

Tinulak ko ng mahina si Yen ng napuna ko na kami na ang kasunod. Nagulat pa kami ni Cass sa biglang pagsulpot ng kakambal niya na si Rex.

"What are you doing here?" naiirita na tanong ni Yen.

Academy Magica ColorisWhere stories live. Discover now