Kabanata 1

11K 270 76
                                    

Waves

I woke up feeling dizzy. Ito na yung hangover. Tatlong bote ba naman ng wine at champagne diba. Parang pinupukpok yung ulo ko sa sakit. Pagmulat ko ng mata ay parang may mali.


Kailan pa naging kawayan ang walls ng kwarto ko? At kailan pa naging nipa ang kisame ko? Sinilip ko ang  katawan ko sa ilalim ng  kumot. Kailan pa naging t-shirt ang beach dress ko? Oh Lord. What happened?


"KIDNAP!" Sumigaw ako sa sobrang taranta. Baka narape na ako. Baka ano nang ginawa sakin. Agad na bumukas ang pinto at isang lalake ang humarap sa akin.


"Miss okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" Lalo akong nag hysterical sa pagpasok ng lalake at binato ko siya ng unan.


"Walanghiya ka! Anong ginawa mo sakin ha! Nilapastangan mo ako ha?"  Naiiyak na ako sa sobrang pagkalito. Pinilit kong alalahanin ang mga nangyari.


"Nilapastangan? Miss sorry pero sobrang lasing ka kagabi. At nahulog ka sa sinasakyan mong bangka. Nangingisda ako at nakita kita. Dapat nga ay nagpasalamat ka pa sakin." Agad akong napatahimik at naalala na nahulog nga ako sa bangka. Shit Lia antanga mo.


"Eh bakit iba na yung suot kong damit ha! Baka kung anong ginawa mo sakin kagabi! Pinagnasaan mo siguro ako ano!" Kumunot ang kanyang noo at lumapit sa akin. Lumapit siya nang lumapit hanggang sa nakasandal ako sa headboard ng kama.


"Paano kita pagnanasaan kung flat ka naman." Isang masamang ngisi ang isinukli nito sa akin.


"Excuse me? Ako? Flat? For your information manong, my vital statistics is  34-27-36 at yan ang vital stat ng sexy!" Aba. I joined Binibining Pilipinas for about three consecutive years. Tas sasabihin ng lalake na to na flat ako? Edi sana di na ako nakapasa.


"Ganon ba? Parang hindi naman." He even smiled more. Tumayo na siya nang maayos at tiningnan ako.


"Merong pagkain sa lamesa. Yung mga gamit mo nandoon na rin sa lamesa. Yung damit na suot mo kagabi. Nilabhan ko na at sinampay. Hintayin mo na lang matuyo. At masyado pa akong bata para tawagin mong manong." Kinindatan pa ako ng loko.


Tinaas ko ang kilay ko. Oh goodness this man. Gwapo sana kaso presko. Sa unang tingin parang hindi siya mangingisda. But still. I can't trust this man dahil gwapo siya. Pero shet ang gwapo nya.


I then realized na wala akong bra. Pati ba naman yun? Yung virginity ko na pinakainingat-ingatan ko, mapupunta lang sa estranghero. Jusko. Pati ang panty ko ay sinilip ko. Buti na lang at ito pa rin iyon.


Masyadong malaki ang damit na suot ko kaya hindi halata na wala akong bra. Sinuklay ko ang aking buhok at nagtungo na sa kusina.


Pinalibot ko ang aking pangingin sa bahay. Maliit lang ito.  Nipa ang bubong. Kawayan ang pader. Maliit ngunit malinis at organisado. May kwarto. May kusina. May sala at may cr. 


Naabutan ko siyang umiinom ng tubig. He was looking outside. I saw my things on the table. I opened my bag and looked for my phone. Naka-off ang phone ko at sigurado akong hindi magkakamayaw ang beep sound nito pagnabuksan na.

Crashing The Waves (Working Girls Series #2)Where stories live. Discover now